Tip lang sa mga incoming freshies jan:
Let's be real guys. Oo, anjan yung excitement, yung adrenaline rush anjan yan. Sparks shit. Hahaha. Pero hindi rin natin pwede kalimutan ang fact na anjan rin yung takot. Takot na mapagiwanan. Takot na baka kainin ka ng buhay jan sa unibersidad na yan.
Tandaan niyo lang freshies..
WAG na WAG niyong ipilit yung sarili niyo na makibelong. For example, sa isang circle of friends. Be real. Hindi mo kailangan magpanggap kung sino ka talaga just to be in a group. Trust me. Dati nung freshie pa ko, I tried so hard para lang hindi mapagiwanan. But then I realized, bakit? Para bang binabaan ko lang ang self-worth ko. Para kanino? Sa mga blockmates na paguusapan ka pag wala ka? Para sa mga blockmates na lalaitin ka? Oh please. I remember myself looking at a photo and saying: ""oh, here's a picture of me and all those people I don't talk to anymore.""
Maraming mapapride na tao sa uste. Hindi natin yun maipagkakaila. Basta be wise in choosing who you want to share your 4 years of stay in the university. Maraming mga bully, mayayabang, tas yung mga taong mapang-api. Nababanas talaga ko sa ganun eh. Guys hindi niyo kailangan magpa-api sa mga taong ganun. If you ever get bullied, fight back. (Pero wag naman sapakan) magsalita ka lang. Let's face it. Isa sa mga problema ng mga tao dito ay dahil nga sa mayayaman sila, yung iba feeling nila superior sila. Kakayankayanin lang nila yung hindi umaabot sa kanilang level. Pero seriously, kahit ano pang college mo, kahit mahirap ka man o mayaman walang may karapatan na apak-apakan ka lang.
Pero kung ikaw naman ay masama, judgemental, at bully; mahiya ka naman. Ano bang pinagmamalaki mo? Keep in mind that every person you meet has the same priveleges, same level youre at when you step into this university. Be kind to others. Tandaan ang golden rule.
Good luck, you guys.
faint
1611
Faculty of Arts and Letters
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles