So What If He's A Janitor? He's My Soulmate

11.6K 217 9
                                    

Isang gabi, nakahiga kami ni Karol sa tinaob naming football net sa field. Di siya katulad ng mga leading man ng poorly-made mainstream movies na sobrang pogi at perperkto. Janitor lang siya. But I know he's better than most of them in many ways. Isa siyang intellectual. Yung mga Psychology books ni B.F. Skinner na tinatamad na basahin ng mga students, nabasa na niya yun. Kumikita din si Karol ng onte dahil sa kanyang sense of humor. Nagsastand-up siya sa isang bar, at mabenta siya in-fairness.

Napasagot niya ko na isang babaeng taga-AB na loner. Ang weird naming tingnan sa iba. Isang AB girl na inaakbayan ng isang janitor, at masaya sila. Di sang-ayon parents ko. Halata daw na pineperahan lang ako. Hiwalayan ko na daw or sa province ako pag-aaralin. Minsan iniisip ko nga rin kung anong nagustuhan niya sakin.

Habang nakahiga kami sa net, tinitingnan lang namin yung padilim na gabi. Alala ko ngang nagpaplay ang “When I'm Sixty-Four” by Beatles sa phone ko.

“Gusto mo ba talaga ko?” nasabi ko, out of nowhere. “O gusto mo lang ng security financially?” Nakapoker face sakin si Karol.

“Alam mo ba naiimagine ko 8 years later?” sagot niya in an idealistic tone.

“Ano?” nagsismirk ako kase innate ang galing ni Karol sa pambobola.

“Nasa bahay kubo tayo. Away from society. Walang family car, LED TV, at 2nd floor. Pipitsuging mga shelf lang sa mga gilid na puno ng libro. Ipagsasama natin collection ko ng Miguel de Cervantes sa collection mo ng Rainbow Rowell. Magbabasahan tayo ng libro out loud sa isa’t-isa. Tatayo ako sa simpleng kahoy na table natin na nagsesqueak pa at magcocomedy routine ako araw-araw para patawanin ka. Ganun lang. Hanggang makatulog tayo”.

Ngumiti na lang ako sa kanya at niyakap siyang nakahiga sa football net, at sinabi sa sarili ko na di ako nagkamali.

janitorxstudent
2013
Faculty of Arts and Letters

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon