Siya Si ""kapitbahay Guy"" na kapitbahay namin sa QC, we met before sa Christmas Party ng Townhouse namin. Ahead siya ng 1 year sa kin and 2 yrs older. Dahil taga- probinsya kami at may bahay lang kami dito sa Manila, malimit ko lang siyang makita pero may communication kami.
Here comes Summer, 2 yrs. after naming magkakilala, 3rd yr na siya at 2nd yr pa lang ako. Nagtagal kami dito for almost a month. Siya lagi kong kasama, punta dito, kain dito, at halos lagi siya dito sa bahay natutulog. Naging sobrang close kami.
One time, habang nasa 7-11 kami natanong niya sakin kung may boyfriend na ba ako dahil may possibility kasi HS na ako, ang sagot ko? Wala kasi wala talaga. Then sabi niya, gusto ko ba daw magi siyang boyfriend that summer, Oo buong summer Lang at habang ineencode ko to ay naiinis ako sa sarili ko kung bakit ako pumayag that time. Eh kasi naman, buong barkada ko, may syota na at sinong hindi papayag kung sa edad ko noon na yon ay madaling matukso lalo na kung malapit sayo yung tao.
At naging kami, dumating ang time na bumalik na ako sa probinsya at kahit labag man sa kalooban ko dahil inaamin ko: MINAHAL ko siya, yun ang definition ko sa narandaman ko noon sa edad na yun. At kahit masakit: naranasan ko ang first breakup ever ko.
Ang mas masakit, parang wala lang sa kanya. Dahil kino-contact pa rin niya ako after nun. At dumating ang NCAE nila, napatanong siya sa akin: ""Tingin mo anong lalabas sa exam ko?"" ""kung san ka talaga bagay"" kako. "" sige. Yun ang ieenroll ko. HAHAHA."" Sagot niya. Natuwa ako dahil alam kong may epekto ang sinabi ko sa kanya. Pero last time na pala akong matutuwa nang dahil katext o kausap siya dahil after nun, Wala na.
That year, hindi ako sumamang lumuwas for Christmas Party dahil may plano kami ng mga pinsan ko sa probinsya. Summer? Hindi rin. Siguro dahil ayaw ko lang siyang makita kasi apektado ako at that time, hindi ko inaamin sa sarili ko.
Dumating ang 3rd yr HS ko at simula na ngand usapang college, nakapagdecide ako na hindi ako magtetake ng Language related course dahil mahina talaga ako sa mga ganun. At nagsimula na rin akong mag-stalk ng mga universities at natipuhan ko ang: NU, AdU, FEU, UST at DLSU. That yr, umattend ako ng Christmas party dito, after how many months ng hindi pagluwas... NAKITA ko siya at KASAMA niya Si ""ate-kapitbahay-din-na-maganda"" . Nakakainis kasi kahit wala akong karapatang mainggit, nainggit pa rin ako.
Pinagsama-sama nila kaming mga kabataan sa iisang lugar. Magkatabi kami ng younger sister niya na mas bata sakin, at katabi naman siya sa kabila. AWKWARD TALAGA! Napansin kong medyo nagbago siya. Nagkaearring siya at medyo naging manly. Nagsimula ang mga usapang pinakikinggan ko na lang. Kainis! Hanggang sa napunta sa usapang college ang pinaguusapan nila at natanong siya kung anong course at saan siya mag-aaral: ""Yung course na lumabas sa NCAE ko. Ewan ko kung saan."" Dahil pilyo ang sagot niya, nagtawanan ang iba, samantalang ako sa isipan ko: ""Takte ka!! Bat ka ganyan??! Pinaaalala no lang sakin ang katangahan ko!!"" Napunta naman sakin ang tanong, sinagot ko naman kung ano talagang gusto kong isagot at napagdesisyunan ko na ""Advertising Management sa DLSU kung pagbibigyan ako ng panahon."" At ang nakakainis, tinanong nila ""Kahirap kaya nun, La Salle pa! Leche! Eh pano ka magkakaboyfriend niyan?"" At dinagdagan pa ng kapatid niya ""NBSB ka ate di ba?"" Napatingin ako sa kapatid niya ng matagal saka tumingin sa kanya na nakatingin sa malayo. Bumalik ang tingin ko sa kapatid niya, ngumiti at tumango.
Naghiwalay hiwalay kami nang fireworks display na ng Home owners' asso. Nang tapos na ang party, napansin kong umuwi na Si ""ate-kapitbahay-din-na-maganda"" which means, mag-isa na lang siya ngayon at tama nga ako. Mag-isa siya, nakaupo at nakatulala sa kung saan. Pero hindi ko siya kayang tignan ng ganun katagal kaya iniwan ko na habang kaya ko pa.
Pauwi na akong magisa nang biglang may humatak sakin, SIYA. Inentradahan niya agad ako ng ""Let's talk and fix this."" Nakatitig lang ako sa kanya. Ano na naman ba?! ""Look, hindi ko kaya, balik na tayo sa dati, pls.?"" Hindi ko napigilang hindi sumagot ""Eh medyo epal ka pala Eh! Hindi ka nagtext nang kay tagal, hindi mo ba ako kayang pansinin nung makita mo ako kanina? Dinedma mo ako! Bakit? Dahil kasama mo Si ""ate-kapitbahay-din-na-maganda"" ??"" ""Hindi yun ang dahilan, hindi ko lang ineexpect na aattend ka dahil antagal na hindi ka lumuwas."" Sagot niya. ""And then? NASHOCK ka? Kapag nalaman mong aattend ako, ako sana ang kasama mo? KALOKOHAN mo Kuya!"" Hindi siya umimik. Napansin kong may paparating na triny kong umalis at narinig kong sinabi niya ""Hahabulin kita hanggang sa ok na tayo."" I answered ""Hindi yun ang solusyon tanga!"" The next day, agad akong lumuwas pabalik, mas nauna na ako kesa kila mama dahil ayoko siyang makita.
Summer- Nalaman kong lumipat na sila ng titirahan, malapit daw sa pagaaralan niya. Dumating ang 4th yr. at madalas akong lumuwas for Entrance Exams. Nang mageentrance na ako for FEU (Pumasa na ako sa UST at DLSU) nakita ko once sa townhouse ang kapatid niya. ""Ate, sa La Salle ka rin ba?"" ""Oo, pero tatry ko pa rin sa ibang school baka magbago isip ko."" I answered. Sabi naman niya. ""Naku, wag na te para magkasama kayo ni Kuya. DLSU din siya: Engineering."" I was like : The heck!
Nagulo ang utak ko. Kung kelan medyo nakalalayo na ako sa kanya hanggang skwelahan ko ba naman hahuntingin ako?
I decided na sa UST mag-aral: Fine Arts in Adv. Arts. Sinabi ko sa mga family members ko na parang awa na nila na wag sabihin sa kahit kanino. Sinunod naman nila at nagdorm naman ako along sa dinadaanan ng ""balik-balik"" Ansaya! June palang ang pasukan noon at nagdecide kami ng mga blockmates ko na manonood kami ng Finals ng UAAP Basketball Competition dahil Clash of Teng brothers yun! At nung palabas kaming sawi dahil sa deciding game, ANAK NG! nakita namin siya, kasama yung ibang La Sallian na tuwang tuwa dahil sa pagkapanalo nila at obvious talaga na nakita niya ako dahil nagtitigan pa kami. Out of nowhere hinila ko mga blockmates ko. Pero hindi ganun kadaling umalis dahil tanong pa sila ng tanong kung bakit! Naabutan niya ako at hingal na sinabing ""Bakit ka nasa USTe?"" Hindi ako makasagot sa mga oras na yun, buti na lang at sumawsaw ang mga kaibigan ko. ""Kuya saglita ha? Nagmamadali kasi kami, please let us go!"" Tinanong nila ako that time kung anyare? Ang sabi ko baka napagkamalan lang ako, kahit papano kinagat naman nila yun.
That night inopen ko ang sim kong matagal ko nang hindi ginagamit, pero niloloadan ko parin para di mamatay, doon ko nabasa ang mga texts niyan. Sorry, hihintayin kita dito sa La Salle and so on.
Umiyak ako. Shocks! Nakaiinis talaga siya.
The following sem, nabalitaan naming August na raw ang pasukan sa USTE the ff. yr. kaya after that academic yr. nagbakasyon ako sa probinsya. Habang naglalakad malapit sa arch nang pasukan na, nakasalubong ko ang mama niya at ang kapatid niya. Kainis! Parang alam ko na to kako sa utak ko.
Tama nga ako. Kinausap nila ako at nabanggit nilang doon na daw siya magaaral at mag dodorm siya malapit doon. Hindi ako mapakali nung araw na yun at kinagabihan inopen ko na naman ang sim ko, marami siyang text at ang latest ay: nagtransfer ako Dito sa UST, I'll make it a habit na dadaan sa Beato at kung pwede ay hintayin ka doon before and after classes ko, hoping to see and talk to you. Please wag mo kong iwasan.
Tinapon ko bigla ang phone ko dahil sa di malamang dahilan! Hindi ko kinaya Yung text! Nagi akong cautious sa pagpasok at paguwi at hindi ko talaga siya nakita the whole year. Nageexpect lang siguro ako. Pero minsan nabanggit niya sa text: I guess lagi tayong wrong timing, siguro kaya kita hindi maabutan dahil sa scheds natin. I really want to talk to you personally.
Hindi ko kaya. Kung dahil to sa kasalanan niya, wala na akong pakialam doon dahil alam ko namang wala siyang kasalanan, sadyang asyumera ako at maarte. Hindi ko lang talaga siya kayang harapin dahil nagiguilty talaga ako.
Nagpapasalamat ako dahil distansyang magkabilang mundo kami sa UST: Beato and Fr. Roque Bldg. Dahil kung hindi? Tapos na sana ang taguan namin at talo na naman ako.
The One Who Got Away
2017
CFAD
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles