May kailangan akong hanaping libro sa central lib at ipaphotocopy noong 1st year ako (1st sem). Pagpasok ko sa elevator, may nursing na sumunod sa akin. Nakakaawa siyang tingnan kasi ang liit liit niya tapos ang lalaki ng mga librong hawak niya.
Nakita ko ulit siya noong 2nd sem sa humanities. Nag-aaral siya, tapos matutulog, tapos bubuksan ulit yung book niya tapos magbabasa ulit. Hindi naman talaga ako dapat magtatagal sa lib nun, pero napaupo na lang ako sa likod niya at doon na lang nagreview sa halip na umuwi. Nung napansin kong nililigpit na niya yung mga gamit niya, nag-ayos na rin ako. I don't know why but something about this girl had fascinated me, kaya sinundan ko. Mukha akong tanga kasi hindi ko alam ang ginagawa ko, hindi ko naman siya pwedeng lapitan tapos sabihan ng "Hi ako yung nakasabay mo sa elevator last sem." at hindi rin makapal ang mukha ko para kalabitin siya at sabihing "Hi I'm ____." Typical torpe.
The next day, nagbakasakali akong makita siya ulit, so bumalik ako ng lib, sa Humanities ulit. At tama nga ako, nandun nga siya. Natutulog/nagbabasa nung malalaking libro niya, sa parehong desk. Doon niya siguro paboritong mag-aral. Tumambay ulit ako doon, hinintay ko siyang umuwi. Napansin kong umuuwi siya ng saktong 6PM.
To cut the long story short, napadalas ako sa lib kakapanood sa kanya. Napansin ko rin yung schedule ng paglilibrary niya. Mon-Fri (except Tuesdays) 2-3PM to 6PM, doon sa favorite niyang desk sa humanities (o di naman kaya kahit alin sa mga katabing desks nun). Ang creepy ko, alam ko.
Kaso, nung 2nd year na ako, buong taong hindi ko na siya nakita. Nalungkot ako, kasi naging inspirasyon ko pa naman siya sa pag-aaral (specifically sa lib lol).
3rd year 2nd sem, tinawagan ako ng kaklase ko habang nagrereview ako sa dorm, kakausapin daw ako nung friend niya kasi may itatanong. Tapos binigay niya yung phone sa friend niya (na girl), tapos sabi, "Kuya, alam mo yung *hums*?" Natigilan ako noon kasi naweirduhan ako sa tanong, pero alam ko yung song na kinakanta niya, one of my favorite chinese songs kasi. Sinabi ko sa kanya yung title, tapos nagthank you siya. Hindi niya daw kasi alam yung title nung kanta, narinig lang daw niya pero hindi niya mahanap sa internet yung pyesa kasi hindi nga niya alam yung isesearch niya (tumutugtog din pala siya ng piano). Lucky girl, meron akong original music sheets nung song, so I offered na ipahiram sa kanya para ipaphotocopy na lang niya. The next day, nagkita kami ng girl para iabot ko sa kanya yung sheets.
Siya yung iniistalk ko sa central lib 2 years ago.
Eventually, naging friends kami. We kept in touch. Ngayon, she's a registered nurse na in this huge hospital in Manila at ako naman first day ko na sa work next week.
Hanggang ngayon hindi niya alam yung tungkol sa engg student na laging nakabuntot sa kanya sa lib 5 years ago. Ayaw kong sabihin sa kanya kasi ayaw kong magmukhang stalker.
Kakasagot pa naman niya sa akin kanikanina lang, mahirap na.
GL
2008
FACULTY OF ENGINEERING
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles