Share ko lang yung naencounter ko last week sa FX.
Galing akong Taft Buendia, pauwi nako so nag fx ako, at as usual traffic kahit san man sulok ng Manila. Ma pa-Taft, Ayala Blvd or yung bridge na dinadaanan pag galing Sm manila, Mendiola, Recto, Lepanto at Espana.. Lahat kasi yan dinaanan ng Fx na nasakyan ko pero lahat traffic talaga.
Pasaherong katabi ko: Ba't kasi dito dumaan eh!
Buong byahe yata yan ang sinasabi nya, sa isip isip ko ""ate umiiwas lang si manong sa traffic sa Eapana, pero traffic nga lahat ng daan!"" alam ko kasi laging yung ang way ko pauwi at talagang traffic talaga.
Maya maya huminto si manong driver kasi may sasakay, biglang sumabat na naman tong pesteng katabi ko,
Pasahero: Anu ba yan lahat yata gustong isakay.
Sa isip isip ko naman, ""Malamang public transpo to, anong gusto mo ikaw lang?!""
Tapos umandar na yung fx. Maya maya nagsakay ulet kasi may sasakay naman talaga. Sumabat na naman tong bwiset na katabi kong reklamador na to!
Pasahero: Tignan mo, naabutan na naman sha ng Stop.
Sa isip isip ko, ""Ate ikaw na kaya mag drive?! Kanina ka pa reklamo ng reklamo eh!""
This time bwisit na bwisit na talaga ako haha, kaya sabi ko pag umulit pa sha ssabihin ko na talaga na sha na magdrive.
At umulit nga si ate dahil nagsakay ulit si manong,Pasahero: Wala na, naabutan na naman ng stop!
Me: Ate, palit nalang kayo ng upuan ni manong driver! Kaw na magdrive! Mukhang mas magaling kang mag drive e!
Pero joke di ko sinabi yung kasi pababa na ko haha. Saka diko kayang sabihin. Lol.
Kaya kayo wag kayong mr/mrs.-know-it-all, reklamo kayo ng reklamo jan wala naman kayong alam. Kajirits.
Irita Girl
2011
Cme
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
No FicciónThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles