Not the Guy You Think

18.5K 331 21
                                    

Itong post na to ay hindi tungkol sa sparks . Kaya kung yun ang hanap niyo, sorry ngunit hindi ito iyon. Meron akong kilalang isang babae na nakausap ko isang beses. Meron siyang boyfriend and mahal na mahal niya ito. Pero, alam niyang hindi siya mahal nung guy at ginagamit gamit lamang siya. Alam din niyang darating ang panahon na iiwan din siya nito kapag hindi na siya mapapakinabangan. Nakakalungkot lang talaga isipin na dahil sa mga ganitong klaseng lalaki ay nababalot sa isipan ng mga babae na lahat ng lalaki ay manloloko at iiwanan din sila balang araw. Oo tama kayo walang forever. Dahil lahat ng tao namamatay. Pero para sakin merong "till death do us part". Sa totoo marami namang relasyon ang nagtatagal hanggang kamatayan e. Masyado lang tayong natutuwa sa mga storya nang mga heartbroken dahil maraming pabida at gusto maki-emote o nakakarelate. Bakit kaunti lang nagpopost nang successful love stories dito? Ang sagot diyan ay dahil natuto na ang mga couples na yan na wag na ipagkalat o ikwento ang talambuhay nila sa mga tao dahil kapag mas marami ang nakaalam. Mas marami ang mangegealam at dito nabubuo ang mga ahas sa relasyon. Gusto ko lang i- grab tong opportunity na ito na magsabi nang aking gustong sabihin sa mga lalaking sana ay katulad naming maayos at may dangal. Hoy kayong mga gagong lalaki, ayus-ayusin niyo buhay niyo. Isipin niyo , ang tissue diba kapag siningaan na natin hindi na ito magagamit nang iba at hindi pinagpapasa pasahan? Parang sa babae, kung sino ang minahal natin dapat iyon na. Oo, we can't promise a perfect relationship with one girl. Pero kapag pinagsabay mo ang dalawa o ginagamit mo ang babae? Napakawalang hiya mo naman po para gawin iyon. 
Ang mga babae dapat hindi nating pagsawaan na ligawan yan araw araw. Dahil balang araw baka magsisi ka at ang tipong maririnig mo nalang ang mga salitang "oo", "Hindi", "Medyo", "Okay Lang", "okay", "Sige". Tayong mga lalaki ay dapat walang sawa na magpakita nang pagmamahalan natin sa ating sinisinta. Dahil yang minamahal mong babae ay walang katulad. Hinding hindi nya makakalimutan ang mga maliliit na bagay na tungkol sainyong dalawa, annivarsary, monthsary, weeksary ,hoursary , birthday mo , san kayo unang nagkita, san kayo unang nagyakapan , san kayo unang naghalikan at kailan mo siyang hinatid sa bahay nila. Nakakinis ba na madaldal sila? Nakakainis ba na walang tigil sa pagsasalita ang kanilang mga bibig? Okay lang yan, malay mo sa sunod hindi na siya ganyan. Iaasa nalang niya ang birthday mo sa facebook. Yan mga babaeng iyan maemosoyonal yan , madaldal pero higit sa lahat totoong mag mahal. Bakit ba sila maemosyonal at madaldal? Buti hindi tayo ganun diba? Kasi tayong mga lalaki, sanay tayong magkimkim nang ating nadarama. Nagpapakalalaki talaga tayo kahit na alam nang mga ibang tao na hindi natin kaya ay pinipilit padin natin na kaya natin.Women are the best gifts God has given to Men. Kaya sa mga lalaking napakaholy umasta. Sana alam niyo pano maging isang lalaking na gustong ibigay ni God sa mga babae. Isang araw tinanong ako nang mga kaibigan ko kung nasa relasyon ka ano gusto mo? Ikaw under o ikaw nagcocontrol sa relasyon niyo. Sa tingin ko ang tamang sagot dito ay dapat ang babae ang nagcocontrol sa ating relasyon. Women deserve all the advantages lalo na sa pagibig. Sana lahat ng babae ay maging masaya ang lovelife. Sana, walang babaeng heart-broken, kasi, tayong mga lalake, we're meant to pursue them and it's okay if we fail from time to time. It's the way nature intended it. Ang mga babae , nagkakaroon sila ng "dalaw" at nababaliw kada buwan, nabubuntis at nahihirapan ng 9 months. Kaya dapat meron tayong utang na loob mga lalaki dahil sila talaga ang tunay na naghihirap para maging masaya ang inyong mga relasyon. Sana maunawaan nang mga babaeng mambabasa nito na hindi lahat ng lalaki ay tulad ng nakakarami ngayon. Mas marami paring mga lalaking mapagmahal at totoo. Hindi lang sila sikat dahil hindi naman sila nakwekwento nang mga babae sa paligid. Dahil pano ba naman sila makwekwento eh ang madalas na nakwekwento ng mga babae ay " O nakipagbreak nanaman si guy kay ganyan." Tandaan niyo mga girls , kapag ang lalaki inabot nang ilan taon bago umamin sa inyong mga babae at hindi kayo agad-agad na nilalandi , ito yung mga tipong lalaking totoo at naghahanap nang tamang pagkakataon. Ngunit may sakit din kaming mga mabuting mga lalaki. Minsan sa tagal naming maghintay nang pagkakataon, nabibihag na puso niyo sa mga lalaking walang dangal.

Merry Christmas to all. 

Chemist
2014
Faculty of Engineering

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon