After i confirmed my admission and enrollment sa UST nung incoming freshmen pa lang ako, there was this girl who PM-ed me, which happened to be my future blockmate. Siya yung unang nakausap ko in my incoming college life. Sobrang jolly niya, and i can't help but matuwa sa kanya.
First day of school, siya yung unang person kong napansin (of course yung overwhelming culture at environment ng UST ang una lol). Gusto ko makipag close sa kanya since nakakapagshare na din ako sakanya, and that's what I did. So habang tumatagal, nalaman ko and sinabi niya na may feelings siya sakin. Although may slight feel din ako sa kanya, hindi ko na sinabi. Since then medyo naging awkward na friendship namin hanggang nag fade. Pero bumalik din eventually nung nakapag move on na.
During my early college life, tulad ng iba, I also had shares of broken-hearted love stories/experiences (madami yung sakin promise, haha!). Nakakapag share na din siya ng mga love story niya. Masaya naman, genuine friendship. Sa may fountain kami minsan nagkkwentuhan pag ginabi na. May mga bagay akong shinashare na siya lang nakaka alam kasi alam kong siya lang nakakaintindi sakin. And she knows me really well. Alam niyang hobby ko magplay ng piano, So nagrequest siyang aralin ko yung "I see the light – tangled".
Dumating ang 3rd year 1st sem finals, mini thesis namin sa isang subject, professor namin pumili ng magiging partner namin. Buti na lang siya yung napili nung prof na maging partner ko kasi alam kong maaasahan namin ang isa't isa. I thought we had a good chemistry dun sa project namin, until the few days before presentation. I found her struggling and depressed. I did my best para I cheer-up siya. I did the rest of the requirements and after nun cinomfort ko siya. Tapos narealize ko "parang nadedevelop na ko sa girl na to, sobrang comfortable ko sa kanya"
After we successfully defended our mini thesis, we attended our block party. Siyempre nandun lahat. One time naiwan kami sa may music room. Nagkkwentuhan kami about stuffs, until medyo nabored na ko so pumunta ako sa may piano and pinaupo ko siya sa tabi ko. I played bunch of songs, nagiging intimate na habang tumatagal. Hanggang dumating sa time na napa flashback ako sa friendship naming dalawa. Yung pag-ccare and support niya sakin. Then I played her "request" and sobrang emotional nung time na yun. Dun ko narealize na all this time she was the "one". Sinabi ko sa kanya yung nafifeel ko. And she is feeling the same way. Shet. (KILIIIIG).
1yr 3 months na kami ngayon. Dun pa rin kami tumatambay sa fountain pag gabi na. Gusto ko lang sabihin sa kanya na thank you sa pagccare at sa lahat ng nagawa mo para sa atin. You are the best thing that's happened to me this college. Sabay tayong pumasok sa ARCH, sabay din tayong lumabas, magkahawak kamay naman. And narealize ko, nung nakilala kita, hindi lang EDSA ang may FOREVER. LOL :) I love you!
your EMEHC / PIMIM
2015
College of Fine Arts and Design
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
غير روائيThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles