Sabi nila, 2nd chance is more than enough na ibigay sa taong mahal mo. Pero what if umabot ng higit pa sa pangalawang chance? susugal ka pa ba o susuko ka na lang?
Syempre ako sumugal ako. (wala e tanga 😂) junior year ko sa hs when i had my first boyfriend. sobrang saya naman kasi i feel loved and all, umabot kami ng 1 year until something terrible happened. pinagpalit ako sa iba! grabe mga tsong sobrang sakit 😂 tipong sa lahat ng pagkakataon maaalala mo sya, yung kayo, pero wala e, wala na. weeks passed, nasa process na ako ng pagmmove-on. biglang nag pm ng, ""hi kamusta na?"" boom pare gulat ako pero syempre sumagot ako in a way na kunyari la na ko pake sakanya (syempre kunyari okay na) tapos ayun nag uusap ulit kami. hanggang sa ayun nagkaaminan na. of course, i was willing to give him a second chance, wala e mahal na mahal ko and ayoko masayang at pagsisihan yung pagkakataon na pwede syang mapasaakin ulit. syempre mga kaibigan ko nagtataka nagtatanong minumura ko bakit ko daw binalikan, kinain ko lang daw mga sinabi😂 ko nung nagbreak kami. pinagpatuloy namin yung relasyon namin, mas madaming worse na problema at dun ako bigay ng bigay ng panibagong chance sakanya. Martyr 😂
Up to this day, kami pa rin. 3 years na 😊 and in fairness, di na sya kagaya ng dati. lalo ko pa syang minahal. 😊 kaya kayo, wag kayong susuko agad. don't be afraid to take risks. Mas okay ng masaktan ka basta alam mo sa sarili mong hindi ka nagkulang."
girl tunay na nagmamahal
201*
cfad
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
No FicciónThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles