November 1

5.8K 123 12
                                    

Palagi akong bad shot sa tinatawag na "pag ibig." simula nung highschool pa lang ako, babaero na bungad ng mga ko sakin.


Pero wala akong nagiging girlfriend, kasi nung iniwan ng Mama ko ang Papa ko, sinabi ko sa sarili ko na hindi ako magmamahal ng ganun. Na hindi ko sisirain yung puso ko ng dahil lang sa isang babae.


Umabot yung perspective kong yun hanggang mag 2nd year college ako dito sa UST. November 1 yun nung nakilala ko yung pinaka magandang babae sa balat ng lupa.


Nung una gusto ko lang siya ma-kama. Gusto ko lang siyang dalhin sa condo ko at tikman. Pero unang beses ko pa lang siya nakakausap, anak ng, tablado agad ako.


Hindi ko akalain may babae pa lang aayaw sakin. Hindi ako sanay na yung babaeng sobrang gandang ganda ako eh hindi ko pala maiuuwi. Siguro dahil dun lalo akong napasubok.


Dalawang buwan ko siya hindi tinigilan, siguro sa loob ng dalawang buwan na yun, lalo akong nagkakagusto sa kanya. Nung naiuwi ko na siya sa condo, sa wakas, at nasa kama na kami, bigla kong naisip, mahal ko na pala siya.

One year after, November 1, we started dating exclusively. Legal sa both sides ng family namin. 3rd year college na kaming pareho. Palagi ko siyang hatid sundo sa AB, kahit napapalayo ako since taga CTHM ako. Isa siyang reyna para sakin. Iba kasi siya. Iba siya magmahal. Iba siya magpatawa. Iba yung aura niya sa. She's like a daisy in a field of roses. She's unique and she's beautiful. She writes to me everyday. Perks siguro ng pagiging artlet. And i'm in love with her words. 8 months later, right after the first day of us being a 4th year student, i proposed to her. Medyo maaga diba, pero pareho naming gusto yun.

Sabi ko sa sarili ko, hindi siya parang si Mama. Hindi niya ako iiwan. Hindi niya wawasakin yung pagmamahal ko. Kasi iba siya.


Pero halos everyday nagiiba siya. Pumapayat siya. Yung mapupula niyang labi nawawalan ng kulay.


November 1, sinugod namin siya sa USTH. May lukemia pala siya. 3rd stage. Hindi niya sakin sinabi. Tinago niya sakin. Putangina. Nagunaw yung mundo ko. Hindi ko alam gagawin ko. Hindi na siya pumapasok ngayon.

Sabi ko sa sarili ko hindi ko sisirain yung puso ko dahil sa isang babae. Hindi nga niya ako iiwan ng dahil sa ibang lalake or dahil hindi na niya ako mahal. Iiwan niya ako dahil kailangan siya sa itaas. Mas mabuti pang siguro iniwan na lang niya ako ng dahil may iba. Mas okay pa yun kasi alam ko andiyan siya. Humihinga. Kayang kaya kunin ulit. Pero iba ngayon. Nakipag hiwalay ako sa kanya. OO, gago move. OO, hindi ako lalake. OO, tangina ako, sana mamatay na ako. OO NGA. sana nga ako na lang at hindi na siya. Hindi ko kayang makita yung babaeng mas mahal ko higit pa sa sarili ko na mawawala sa mundong ito. Sa mundo ko. Hindi ko na kayang mabuhay ng wala siya. Akala ko nung una, November 1 will be a happy date for us. But no, November 1 will be a date where i will visit the love of my life every year.




A

2011

Faculty of Medicine and Surgery

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon