The Importance of Spectacles

2.9K 16 1
                                    

Hi! I just want to share my KAMALAS MALAS USTET experience.

Hindi expected yung pagtake ko ng USTET. Hindi ako nakareview. Hindi ako nakaprepare. Walang wala. Dapat kasi 2nd batch ako nun para kasama ko mga friends ko. Pero sa kasamaang palad, sa sobrang agang magbayad ng testing fee sa MetroBank, napunta ako sa 1st Batch. Hindi na kami nagparesched kasi sabi nila mas maganda daw pag first batch. So ayun, after kong napasa lahat ng recquirements, lumuwas na kami.

AUGUST 24- Medyo late akong nakarating pero nakahabol naman. Pagkarating ko sa room ko sa Albertus Magnus Building, ang tahimik ng lahat. Feeling ko nga napakaliit ko tapos ang yayaman at ang tatalino ng mga kasama ko e. As in super tahimik lahat. Walang nagiingay. Pagkaupo ko sa temporary seat ko habang hinihintay yung mga proctor, binaba ko muna yung bag ko sa gilid. AT DAHIL MAHAL NA MAHAL AKO NG KAMALASAN, pagkayuko ko para ibaba yung bag ko, nahulog din yung glasses ko. As in OMG talaga! Kasi before ako magexam, talagang may deprensya na yung frame ko, hndi lang napagawa kasi biglaan yung pagluwas namin. Nasira yung frame ng glasses ko. Nagfrefreak out na ako pero hndi ko pinapahalata. Saktong may pogi pang nag-abot nung ibang pieces (landi. Haha). Sobrang labo pa naman ng paningin ko yung tipong hndi ko na nababasa yung test booklet pag nakalapag lang sa may arm chair ko. So ayun, tiniis ko nalang. Sayang naman yung pagluwas namin. Nakadikit lang sa mukha ko yng test booklet. Sobrang nahirapan alo, hindi sa mga questions sa test kundi sa kalabuan ng paningin ko. After ng test, umiyak lang ako kila mama kasi feeling ko hindi ako makakapasa pero..
.
.
.
.
.
Ayun, nakapasa naman ako sa awa ng Diyos! Kahit ang daming kaepalan na nangyari sa USTET, nakapasa pa rin ako.

Kaya sa mga future na masisiraan ng salamin diyan, take this as an inspiration. Chos! Magdala kayo ng spare or extra eyeglass nyo. Yun yung lesson na natutunan ko.

Hi sa mga karoommates ko nung USTET, first batch. Room 314. Albertus Magnus Building.
Sana natatandaan nyo pa ako kung may pakielam pa kayo sa mga kamalasan ng karoommate nyo. And Hi dun sa poging nagabot. (Nakuha pang lumandi) 😊

TheGirlWithSpectacles
2019
Faculty of Pharmacy


Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon