The Letter After A

8.5K 61 2
                                    

Was it 5 or 4 months since we broke up? Hindi ko alam. 'Cause I didn't even bothered myself remembering kung kelan yung exact day na nagbreak tayo. Bibigat lang kasi lalo yung pakiramdam ko kung maaalala ko pa yun eh. We broke up even though we love each other very much. Hindi ko alam kung ano nangyari. Hindi ko alam kung ano naging problema. Basta nagbreak na lang tayo.

Naalala ko pa yung mga last moment effort ko sayo. Yung mga panahon na nakaramdam na ako na malapit ka na bumitaw, gumawa talaga ako ng paraan para mabalik yung SPARKS natin eh. Hahahaha. Kaso mukhang hindi na talaga kinaya eh. Sinabi mo na nage-effort nga ako pero mukhang may kulang. Sobra akong nasaktan nun. Ano ba naging pagkukulang ko? Ang hirap na nga ng course ko pero ikaw pa rin priority ko. Sinasabayan kita pumasok ng 7am kahit 12nn pa talaga class ko. Aaminin ko na hindi naman ako ganun kayaman pero ginagawa ko naman lahat ng effort to keep you with me. Gusto kong sabihin mo sa akin kung ano naging kulang. Kasi malabo pa rin sa akin ngayon kung bakit nagbreak tayo eh. Alam ko namang may mga pagkukulang din ako pero bumabawi naman ako. Alam mo kung gaano kita kamahal. After all ikaw ang kauna-unahang babaeng sineryoso ko. Wala nga tayo naging issue ng 3rd party sa buong period ng relationship natin eh. Pero bat nagbreak tayo? Naiiyak na natatawa na lang ako minsan. Kung alam mo lang kung gaano kita ka-miss. And to be honest, hindi pa rin ako nakakamove-on ngayon. Mahal na mahal pa rin kita but I'm not expecting you to feel the same. Nakikita ko naman na mukhang masaya ka na without me. Sinusubukan ko namang magmove-on eh kaso sa bawat babaeng pinopormahan ko ngayon, at the end of the day ikaw pa rin yung hinahanap ko. Pero hindi to obssession ah! Hahahaha. Siguro mahal lang talaga kita. Gusto ko lang mabasa mo to and sana maramdaman mo na para sayo to. SANA. Hahaha. It may sound stupid pero eto pa rin yung nararamdaman ko. Wala naman sigurong mali dun diba?

Manuel L. Quezon 
2018 
AMV College of Accountancy

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon