Hindi porket 10 months lang sila e maiksi na 'yon.
Wala nman sa tagal yan ng relasyon, nasa mga tindi ng pinagdaanang pagsubok yan at kung paano niyo ito nalampasan.
Pero kuya Broken, may mga tao talaga na, akala natin sila na yung para satin pero hindi pala. Pinakilala sila satin ni Lord para may matutunan tayo. Maaaring kaya mo siya nakilala para pag dumating na yung babaeng para sayo, malakas ka na, matatag. At saka pag nag mahal ka, mahalin mo rin muna yung sarili mo. Para kung sakaling maiwan ka, makakabangon ka ulit, kasi hindi ka naubos, kasi nagtira ka kahit kaunti para sa sarili mo. Wag mo ibigay lahat, mag tira ka para sa sarili mo, para sayo. Paano kapa-magbibigay ng pagmamahal sa iba kung inubos mo na lahat sa kanya, sa sarili mo nga wala, sa iba pa kaya?
Tips ko lang sayo para maka move on ka:
1.) Isipin mo lahat ng masaya at magandang memories niyo. Para pag naka move on kana, hindi ka magiging bitter sa kanya kasi naging masaya ka naman kasama siya, 'di ba? 'di ba?2.) Acceptance. Tanggapin mo lang lahat sa sarili mo na tapos na ang kwento niyo. Tapos na ang chapter niyo na magkasama. Tanggapin mo na hanggang dun nalang talaga. Pag natanggap mo na lahat, unti-unti mararamdaman mo na magaan na sa pakiramdam. Hindi na kumikirot yung dibdib mo pag naaalala mo siya. (Literal na kimikirot, naramdaman ko na e.)
3.) Time. Time heal all wounds nga daw diba. Wag madaliin ang pag mo-move on. Hindi yan tulad ng instant noodles na kung kailan mo maisipan kumain non, in 5 mins or minsan wala pang 5mins, ayan na. Nakahain na sa harap mo. Hindi gano'n yun. Darating ka rin doon, makaka move on ka rin, wag ka lang mag madali.
Ang pagmo-move on ay isang mahabang proseso. Hindi 'yan 'yung itutulog mo lang pag gising mo, okay ka na. Hindi rin 'yan itatagay mo ngayon, tapos mamaya pag wala kanang amats, nakalimutan mo na siya.
Oo madaling sabihin na, ""Makaka-move on rin ako.""
Pero tatanungin kita,
GUSTO MO BA TALAGANG MAKA-MOVE ON?"
Naka-moved on na
2017
College of Business and Accountancy
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles