I hope this gets posted haha. This is not about love, just to inform you.
May tatlong klase ng pares ng pagiging roommate:
A.)
-Malinis
-Madumi
B.)
-Malinis
-Malinis
C.)
-Madumi
-Madumi
Pero malas mo kung pares A kayo, pero katumbas yung roommate mo ng maraming Madumi.... so eto ang istorya ko, pero mostly dito mga kuda ko lang siya.
Aaminin ko na dumadating ako sa punto na tipong pagtapon lang ng isang lukot na papel sa basurahan na sobrang lapit ay kinakatamaran ko; una dahil pagod ako galing eskwelahan, at minsan, talagang tinatamad lang. PERO hindi naman tamang roommate mo (ako) pa yung maglilinis ng kalat mo. O sige, sabihin na nating parehas tayo nagbabayad ng renta buwan buwan, pero sana bigyan mo ako ng pera pangbayad ng kuryente't tubig at internet agad agad, may pambili ka ng mga mahal na gamit pero pangambag sa hati natin, wala ka? Edi wow
At put—aaaan——g a pwede ba, pag ikaw tulog, para akong ninja na kahit kaluskos lang ng kaluluwa ko sa pader, pinipigilan ko para lang hindi ka magising, eh ikaw? Tipong kulang na lang hugutin mo yung unit natin papalayo sa buong condo dahil sobrang ingay mo. Puyat na nga ako dahil sa mga lintik na medical stuff na kinakabisa ko, hindi mo pa ako papatulugin? At pwede ba? Kung magdadala ka ng lalaki, wag madalas at wag mong patulugin lagi na kala mo roommate na natin siya. Ano na? Bayad bayad din kuryente't tubig, uy.
Para kang hindi babae eh. Friends tayo since elementary at sa haba na yun, hindi kita pinagisipan ng masama. Pero ngayon meron akong isang word to describe you as a roommate: dugyot. You're a good friend, a good person, pero sana maisip mo that hygiene is very important. Trust me when I say that, maraming tinuturo samin tungkol sa body natin and how the environment affects us.
Minsan naiisip ko kung tamad ka lang ba talaga eh. Pero madalas alam ko nang insensitive ka kasi wala kang pake sa mga tao sa paligid mo. Kawawa naman magiging asawa mo kung ngayon pa lang, hindi mo na malinis sarili mong kalat, paano na pag maglilinis ka na para sa magiging pamilya mo?
PS: At please lang, don't make out kapag nandun ako at akala niyo natutulog ako. Hindi lang talaga ako gumagalaw. I can hear everything.
Kunsumidong Ate
1990
College of Science
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles