Maghihintay Ako, Hanggang Kaya Ko...

11.2K 83 3
                                    

"I will never leave you" yan ang karaniwang sinasabi ng mga lalaki sa umpisa. Alam kong gasgas na yang line na yan, alam kong madami na yang naloko, pero bakit ganun kahit alam ko naman na kalokahan lang yan eh nag padala ako? Ganun pala talaga nakakatanga ang love na yan.

Noong high school pa nag start ang friendship natin, sobrang close natin at dahil dun napalapit na tayo sa isa't isa until sa naging tayo na/ We were so happy back then, halos makalimutan na nga natin na may mga ibang tao pa pala sa paligid natin dahil sa sobrang saya natin. Sabi mo "magkakampi tayo", lahat ng pangyayari sa isa't isa alam natin. Kahit kakahatid mo lang sakin sa bahay miss na kagad kita,para na din tayong mag best friend, kung tutuusin best of best friend pa nga e. Pero syempre kahit gaano kasaya ang isang relationship nag kakaroon din tayo ng pagtatalo. Ang lagi pa nating napagtatalunan ay mga babae na dikit ng dikit sayo, pero kahit gaano kalaki ang magawa mo sakin at kahit gaano kasakit hindi ako nag give up. Hindi ako sumuko kasi nangako ako sayo. Pero bakit ganun hindi mo man lang pinaabot ng prom at graduation...sayang akala ko tayo na ang magpapatunay ng forever.

Our love story lasted for almost two years and that two years end up just because you gave up. Hindi ko maintindihan kung bakit, kahit ikaw na yung may pagkakamali ikaw pa rin ang sumuko. Dahil nakahanap ka na ng iba, siguro dahil nagsawa kana. Hindi ako pumayag na umalis ka, pero ano pa bang magagawa ko kung ayaw mo na. Tinapon mo lahat ng pinagsamahan natin.

After ng break up halos gabi gabi ako umiiyak, madami ng babae ang nalink sayo right after the break up at lahat sila hindi mo niligawan, naging kaMU mo lang. Every girl na makakaMU mo ikekwento mo sakin kapag mag aaway kayo or may problema kayo, tumutulong ako kahit masakit, at pag nabalita mo na wala nakayong somthing nung girl mo tuwang tuwa ako.

Bumabalik ka tuwing wala ka ng babae, nagpaparamdam at nagpapakilig ka kapag wala ka ng mahanap na malalandi mo, pero pag meron na ulit mawawala ka na naman ng parang bula. Sobrang tanga ko ano, hinahayaan kong bumalik ka kahit alam ko na panandalian lang ang lahat...hanggang sa napagod na ako ilang beses na nagpaulit ulit ang pag balik at pag alis mo. Apat na taon na ang nakakalipas simula ng mag break tayo, pero hanggang ngayon ang alam ko lang may gusto pa din ako sayo, pero malaki ang pinagbago simula nang magbreak tayo, hindi na ikaw yung lalaking minahal at nakilala ko. Pagka break natin madaming nagtangkang manligaw sakin, pero lahat sila inayawan ko, pinilit kong gustuhin sila pero ikaw pa rin talaga.

Hindi na tayo pero minsan nasabi mo na baka sa huli tayo pa rin talaga, sabi mo diba kaya siguro tayo naghiwalay kasi way to para hindi tayo kaagad magsawa pagtagal ng panahon. Sabi mo baka maging tayo ulit kapag matino kana,kapag bumalik ka na sa dating ikaw na minahal ko at hinahanap hanap ko, yung hindi mo na ako kayang saktan at magiging seryoso na tayo. Lahat ng sinabi mo sana totoo, at sana sa huling pagbabalik mo hindi ka na ulit umalis. Maghihintay ako hanggang kaya ko,pero sana wag mo masyado tagalan baka mapagod na ko.

SMG 
2010 
AMV College of Accountancy

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon