Backspace not found

8.2K 47 1
                                    

Warning: This post might be boring for some due to its very long story and it is Taglish made.

It all started with a simple swipe. Yes, I’m not ashamed to tell everybody that I met her here. At first I didn’t expect that she’ll swipe it too. Kasi sino ba naman ako? Isa lang akong simpleng guy na di naman ganun kagwapo, kayaman at katalino. I was born and raised in the province while she’s a princess from another continent far far away. I got surprised that we’re from the same school, UST, and the same field of study, Science. I started the conversation with a simple “hi” and boom! Laking gulat ko na mag respond sya at english speaking pala. Kaya ayon, umaagos na ang dugo sa ilong ko to have an English conversation with her. Di naman karamihan ang napag-usapan namin nun kasi nga I was bullying her at ang rude ko sa kanya. Muntik pa nga syang maniwala na may Siberian tiger ako e. HAHA!

That was a normal day for me, until nalaman ko na dun sa bldg. nila gaganapin ang isang event namin. So ayun I got excited na baka I’ll see her. Mapaglarong tadhana nga naman, natupad ang di ko ineexpect. Finally, I saw her! I saw her with her warm and cute cardigan! Not only once, but twice. Nahiya ako nung una syempre kasi nabighani ako sa kagandahan nya in person at mukha syang suplada kaya di nalang ako nag hi, di din naman nya ako nakita. I add her in Facebook and nagulat pa nga sya kung pano ko nalaman fb nya. Obviously, nakalagay sa profile yung ig nya and when I searched her, dun ko lang nalaman full name nya. I was busy that day for the event but when I had the time, naglakas loob ako na ichat sya. Medyo madami narin ang napagusapan namin nun pero putol kasi nga may ginagawa ako. Pero I’m not sure why she got me smiling when she had a reply. Casual convo. and pasimpleng pick-up lines na waley.

Natapos ang event at hanggang sa paguwi ko e chinachat ko parin sya. Patulog na sana pero biglang I had the balls to ask her for a skype video call kasi nga may confidence na ako na harapin sya dahil medyo madami na ang napagusapan namin at asang-asa ako sa coffee “date”. And boom, pumayag sya. Pumayag na ako na kahit ako nalang ang may video. The first thing na sinabi nya sa call e I have to sing “Let it go” daw. Pero huhu di maganda boses ko. We have been in skype up until dawn. We had so many stories and kung ano-anong kalokohan na ang ginawa ko. Dun ko na-feel na parang sobrang close ko na sa kanya. Kaya before I ended the call e I asked her out for ice skating. At least that’s better than coffee. At pumayag naman sya.

Kinabukasan, I went to her place to pick her up. I’m so nervous that day. Pero nung paglabas na nya, which hindi ko kagad napansin, e napa smile nalang ako ng sobra sobra. I got stunned! Wala akong kotse para ihatid sya kaya niyayaya ko nalang sya na mag taxi pero tumanggi sya at okay lang sya kahit mag fx. I got turned on kasi nga kahit she’s from another place pero pumapayag sya na kahit jeep lang o fx, solved na. Nabalot ng awkward silence ang fx, seryoso. Nahihiya ako magsalita kasi nga I was stuttering kaya tameme lang ako.

Pagdating sa mall, nagsisimula na akong magsalita while walking hanggang sa mahanap na namin ang ice skating rink. Ang yabang yabang kong magyaya pero di naman ako marunong at ikaw din pala. Imagine a penguin with an egg between its legs. Ganun itsura ko at daig pa nya ako kasi ang bilis nyang matuto. Ang daming race na natalo ako. Ang daming beses na na-fall ako. Pero ang pinakamasakit e ung huli kong pag-fall. Nahigaan ko kasi braso ko pag-fall kaya ang sakit.

That first “date” became the most memorable for me so far. Because on that day, I just realized that my wounded heart can still feel something for a someone special. Di lang kumpleto kwento ko kasi sobrang haba. So ayun, we became friends. Ang dami na naming na-share sa isa’t-isa. This one month for me is like a whole year for us. Madaming masayang moments at madami pa akong plano, pero madami na din akong nasabing masasakit na salita.

Oo, I admit na ako yung hindi nakakaintindi sa sitwasyon mo. Lagi kang busy sa school at sa training mo at ako yung taong kukulit at kukulit sa’yo. I’m this stupid guy that will always chase after you. I’m this guy hoping that we’ll be friends again. Kasalanan ko kung bakit ganito ngayon. Kasalan ko kung bakit ganyan ka sakin ngayon. Kasalanan ko yung sakit na dinulot ko sayo dahil sa mga sinabi ko. Kasalanan ko na naging obsessive ako sayo. Kasalanan ko kung bakit naubos na patience mo sakin. Di mo pa nga ako kumpletong napapatawad sa isa kong kasalanan e nakagawa ulit ako ng panibago. Ang tanga tanga ko para sirain ang pinagsamahan natin. But in what I’ve done, I’m still hoping that there is still a place in your heart for forgiveness. If I had the power to turn back time, I will go back weeks before to make things right. Pero I’m only human and I can’t make that happen. It’s all up to you to forgive me. If not for me, accept this apology for the bond we share. SORRY for everything. Hinihiling ko sayo na sana maibalik pa yung dating samahan natin. Sana di pa huli ang lahat. I miss being weird for you. I’M SORRY.

Bully 
2017 
Faculty of Medicine and Surgery

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon