Hi guys. Gusto ko lang i-share ang pinaka epic na love story. Hmmm, pano ko ba sisimulan? Isa kasi tong malaking pagkakamali. I know a lot of people will judge me with this story pero wala na e, nangyari na. So here it goes.
Summer 2014. 2nd time kong umuwi sa province ng dad ko. (Dko na immention kung saan) super ultra mega excited ako kasi sobrang nag enjoy ako nung 1st time kong pumunta dun nung New Year. Dami kong pinsan dun e. Eh hindi naman kami umuuwi sa province ng mama ko kaya sabik ako sa mga relatives ganun. Wala din akong kapatid kaya ayun. During my stay, dami naming adventures ng mga pinsan ko. Joy ride, punta sa tabing dagat, kumain ng kung anu-anong pagkain na dko nattry sa manila, super enjoy!!! Habang tumatagal ako sa pagbbakasyon ko, may isa kong pinsan, si Kuya Red (not his real name) lagi nya kong pinapatawa, tapos ang galing nya mag gitara, very manly in his own ways, may pagka-bad boy pero fave siya ng tita ko na mama nya kasi siya daw ang pinaka sweet sa lahat. Dko alam kung paano, pero na-fall ako sa kanya. I know, sobrang mali dahil pinsan ko siya, at first pinigilan ko naman yung nararamdaman ko eh. Pero nagpakita din sya ng motibo, then ayun, nagkaaminan kami. Nag usap kami na dapat itigil namin. Pero lalo pang tumindi yung nararamdaman namin para sa isa't isa.
May 7, 2014... Dumating si daddy galing sa states. Lagpas isang buwan na din akong nagbabakasyon dto. Sobrang awkward nung nandto na si daddy kasi close sila ni Red. Pero hindi pa rin nahinto kung anong meron kami.. Ang hirap, sobra. Ang hirap magpigil ng nararamdaman pag magkkasama kaming lahat. Alam ko sa sarili kong in love ako pero hindi nga pwede. Hmmm. May 28, bumalik ako ng Manila, lagi pa rin kaming magkatext. Hanggang sa naging kami. Oo, naging kami.
Summer 2015, ngayon. Mahal ko pa din siya.. Hindi na kami. Pero sweet pa din siya. Dko naman alam na lalalim ng ganto to eh. Isang taon na pero ang saya saya ko pa din everytime na magkasama kami. Feeling satisfied but guilty as hell. More like gulity pleasure. Madaming beses na naming sinubukang itigil to dahil may ilan sa mga pinsan namin na nakakahalata na pero bumabalik at bumabalik parin kami sa isa't isa.
Kasabihan nga, lahat ng bagay na nangyayari ay may dahilan. Pero para sa amin, ano ba ang rason na pinagtagpo kami at mapasok sa ganitong sitwasyon? Isang malaking kasalanan. Alam naming pareho lang kaming masasaktan pero patuloy parin naming minamahal ang isa't isa.
Sa lalong tumatagal naming ugnayan, madami akong natututunan. Ganun naman talaga siguro, natututo tayo sa mga pagkakamali natin. Siguro we're just too foolish to stop. Hindi ko alam kung hanggang kelan kami ganito pero bahala na.
Love is all about making sacrifices at taking risks. Ngayon ko lang din siguro naintindihan yan. Given the fact na hindi happy ending ang paroroonan namin pero our love story is my favorite one. Para kaming Kenji at Athena na hindi magkakatuluyan but we'll see each other when we're old and settled. Hindi man happy ending to pero siya ang great love ko.
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles