January 17, 2015

8.3K 192 18
                                    

Irreg ako pero sabi nila, one of the perks of being an irregular student ay yung mas malawak na circle of friends. Yes, that's true. Kasi kapag irreg ka, dapat magaling kang makihalubilo't makisama... kasi wala kang choice. Pero masaya naman kapag maraming kaibigan. Nakikitira lang ako sa tita ko na talagang masungit. Pero okay lang kahit lagi siyang galit sa'kin buti nga at pinapatira niya pa ko sa kanila matapos akong iwan ng tatay ko. (nangibang bahay na siya after mawala ni nanay, hindi ako tanggap ng pamilya nung babae kaya iniwan ako ni tatay sa kapatid nya).


Dumaan ako sa ***** (resto na pinagtatrabahuhan ko) para kunin yung sweldo ko. Feeling ko espesyal ang araw na yon dahil umaga pa lang, maaliwalas na ang salubong sa'kin. Yep, I'm a working student, wala akong pasok sa trabaho nung araw na yon pero yun din kasi yung day ng release ng sahod kaya dinaanan ko na tutal may pasok naman ako kinahapunan. Pagkaabot ni boss sa sweldo ko, may hinintay akong sabihin niya... tas bigla kong naalala, boss ko pala siya. Sabi ko na lang "thank you."


On my way to USTe, nakasabay ko sa jeep yung kaklase ko sa dalawang subjects ko. Medyo close kami non when it comes to bonding kasi lagi ko talaga siyang nakakasama. Binati namin ang isa't isa... may hinintay ako sabihin niya... pero oo nga pala, 2nd year ko lang siya naging kaklase at kaclose... nilibre ko na lang siyang pamasahe.


First class ko (hapon). Himala, complete attendance kami non... may hinintay ako kahit isang tao man lang na pansinin ako... pero wala... oo nga pala, ngayon ko lang sila naging kaklase. Irreg nga pala 'ko.


Pareho ang nangyari sa 2nd tsaka 3rd class ko. Ang dami kong kakilala (sabi sa inyo pag irreg ganun eh) na nginingitian ako pero... ewan, nakukulangan ako. Nung uwian na, dumaan akong mall kasi may bibilhin ako. Bitbit bitbit ko yung binili ko non. Masaya, kahit konti. Treat ko sa sarili ko dahil bagong sweldo ako. Nung pasakay na kong jeep pauwi, may sumalubong sa'king batang pulubi na babae. Sabi, "kuya, akin na lang po yan, please. Birthday ko po kasi eh!" Naawa ako kasi mukha naman siyang sincere at honest kaya binigay ko sa kanya. Sabi ko "Happy Birthday!"" sabay alis. Nakita ko yung ngiti sa kanya. Mas sumaya pa 'ko non nung nakita ko siyang ngumiti.


Pagkauwi ko sa bahay, sinalubong ako ni tita. Same scenario, pinagsusungitan nanaman ako... "Maghugas kang pinggan ha! Sweldo mo ngayon, ilagay mo na lang sa lamesa yung ambag mo sa kuryente" yan yung huling sabi ni tita bago siya lumabas ng bahay para mamalengke...


Pagkatapos namin maghapunan, naghugas na ko ng pinggan. Habang naghuhugas ako ng pinggan, naalala ko yung batang babae... Kumusta na kaya siya? Masarap kaya yung cake na binili ko? Sana binasa niya muna yung nakalagay bago niya kinain, sakto kasi yung pinalagay kong lettering don...

...

"HAPPY BIRTHDAY TO ME "




Mr. Invisible 

2016 

College of Architecture

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon