Minsan na nga lang ako ma-inlove sa maling lalaki pa, sa dnami dami na pwede kong magustuhan saknya pa, sa mga pwede ko pang mamahalin siya pa at sa minsan na yun nagpakatanga ako ng sobra. Yung lalaking kinaiinisan mo dati, aakalain mo bang magugustuhan mo? He's my friend definitely schoolmate ko din siya last september lang nung naging close ko siya. Yung tipong hinihintay niya ko para sabay kami sa pag-uwi kaya napagkakamalang "kami" e.
Halos gabi-gabi tumatawag siya para mag-drama about sa nililigawan niya, syempre ako nman si kaibigang tagapayo laging saklolo. Hanggang sa napansin ko na lang nafafall na ko sknya, pero d ako umiwas kasi ang alam ko I can control it. Nalaman niya yun pero walang ngbago, pag sa school kami madalang kaming mgpansinan para kasing ang awkward e. Hanggang sa time na ngseselos na ko na dapat naman talaga hindi. Nagpatuloy pa ang pagiging close namin yung tipong first time kung uminom dahil sknya na dati d ko magawa, yung tipong pinupuntahan ko siya sa bahay nila isang text lang at kunting pilit pag may kailanagan siya na sa iba hindi ko gngwa.
--Fast forward—
After semester nag migrate sila sa U.S, halos araw-araw ka-chat ko siya, ka skype pa nga minsan e and this time may kasama ng mga sweet messages like "I miss you" and "I love you" sometimes. Syempre ako namang si tanga kilig na kilig, pero hindi ko pinapahalata. Days, weeks and months ganun siya sakin pero para hindi ako masaktan iniisip ko wala lang sknya yun na as a friend lang lahat yun, yun naman talaga ang tingin niya sakin e. Then, one time I asked him "Ano nga ba talaga meron tayo?" He replied, not an ordinary friend and not a girlfriend, but a special friend with no commitment at all. Syemre ako, go lang! Hanggang sa inoopen ko din fb niya, with his permission syempre. Yung tipong pag may mga sweet msgs siya ieexplain pa niya na wala lang yun keso kaibigan lang, keso bestfriend lang kahit tagos sa heart, go with the flow. Ang pinagtataka ko lang minsan bakit kailangan pa niyang iexplain yun? I'm not even his girlfriend, kaya umaasa ako e. Sadyang pafall lang talaga siya. Kung bakit kasi pagdating sa mga sweet messages niya ang weak ko. Naknang tokwa nga naman o, ni hindi nman siya yung tipong lalaki na magugustuhan ko, wala nga siya sa list ng mga crushes ko e. Pero bakit siya pa? To cut the long long story short, a month ago medyo naging madalang ang communication naming, hindi kasi ako ang unang ngchachat or tumatawag sknya e, siya ang lagging nauuna,asa naman siya.HAHA! Hanggang sa recent lang nagka-gf siya, at bigla nanaman siyang ngparamdam mga bandang May, putcha nman! Pinaglalaruan ba ako? Pa move on na ko e. Ginulo nanaman niya puso ko, tapos ano ngayon sasabihin mong hindi kayo pero status niyo "in a relationship" sinong ginago mo? Bilib din ako sayo e, magsisinungaling ka na nga lang yung kahuli-huli pa. Ang masakit lang kasi dun porket alam mong mahal kita okay lang na gaguhin mo ko? Tsong! Marunong din akong masaktan kahit papano babae pa din ako. Dapat kasi una pa lang nakinig na ko sa mga barkada ko e, para hindi ganito. Pero salamat na din sayo kung nababasa mo man to, hindi ako galit and you don't need to be sorry kasi ako naman ang may kasalanan e, kung dati pa lang umiwas na ko d sana hindi na umabot sa ganito. Sorry din kong na spoiled kita hindi ko kasi alam na ganito mangyayari e. First time ko lang tong gngwa and take note dahil lang sa walang kwentang tulad mo.assumerang froggy
201*
College of science
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles