Blue Christmas

15.3K 259 12
                                    


It's been four years mula nang pumasok ako sa UST.
Pero ang subjects ko eh pang 2nd year pa lang.

Oo. Irreg ako.

Hindi ko naman ginusto, at hindi naman ako ganun ka pabaya. Pero wala lang talaga akong choice. Galing lang ako sa below middle class na pamilya. Sa public high school ako galing pero mabuti na lang nakahanap ako ng scholarship para makapasok ako sa UST. Kahit may scholarship ako, hindi pa rin namin kaya mabuhay ng maayos kasi walang trabaho magulang ko. Dad ko bedridden na at mom ko nagaalaga sa kanya. Wala namang iniwan sa amin ung dad ko kundi mga utang lang. Nung first year ako kinailangan ko maghanap ng part time job. Sched ko nun ay 7am-5pm ung trabaho ko 6-9pm every day, at kapag weekends naman 10am-3pm. Halos wala akong time para sa schoolwork kasi sa Cavite pa ako nauwi.

After my first year, madami akong bagsak, muntik pa akong madebar. Kung kani kanino ako nagmakaawa para lang hindi ako maalis sa Engg. Unfortunately, naalis ako sa scholarship ko dahil na din sa mababang grades ko nung first year ako. Nagstop ako ng 1 year para magfocus sa trabaho. Hindi lang naman kasi tuition ko inaalala ko, kailangan ko ding buhayin mga magulang ko... and believe me, mahirap magpalaki ng magulang.

After 1 year, eto na ako nag enroll ako this first sem, kaso ang baba ng grades ko. Hindi ko din naman kasi pwedeng iwan trabaho ko at wala akong makita na nagooffer ng scholarship sa tulad kong mababa grades, as if naman papakinggan nila bawat storya ng buhay ng lahat ng nagaapply sa kanila.

Kaya ngayong 2nd sem, hindi ko kinaya ung tuition... napilitan akong magstop... hindi ko na alam kung makakabalik pa ako sa UST. Aaraw arawin ko na lang trabaho ko, magiipon, walang direksyon buhay ko ngayon..

Kaya ngayong Pasko, ang bitter ko lang tuwing nakakakita ako ng masayang pamilya sa fb. Never ko pa naexperience na sabay sabay kaming kumain ng pamilya ko sa isang mesa. 
Ngayon nga wala kaming mesa na maayos sa bahay eh. mamayang gabi magnonoche buena na, pero wala naman kaming plano, baka matulog na lang kami..

at least nakapagpahinga ako sa trabaho ko today.

Hindi ko din alam kung bakit ko to sinend dito, naghahanap lang siguro ako ng malalabasan ng sama ng loob. Wala naman akong kaibigan na makikinig sa walang kwentang kwento ng buhay ko eh. 

Salamat UST Files. Salamat din UST sa isang taon at isang sem na pagtanggap mo sakin... 
Sa mga tumulong sa akin para hindi ako madebar agad, salamat.

Mejo naging suicidal na ako dati... pero natuto na ako na hindi sagot sa kahit anong problema ang suicide. Don't give up without putting up a fight.

Lastly, don't take anything for granted. Matutong makuntento sa kung anong meron kayo. Magpasalamat kayo at may nagbabayad para sa tuition nyo. Magpasalamat kayo at may bahay pa kayo, na may kama kayong hihigaan ngayong gabi..

wag kayong mainggit sa mga bagay na meron ang iba at wala ka... 

Locomotor
2011
Faculty of Engineering

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon