Never Leave Your Man

1.8K 34 0
                                    

I'll start sa turo ng prof ko dati samin.

N.U.R.S.E. -""Nurses are Universally Reserved for Successful Engineers""
Medyo totoo, kasi sa observations ko, and according na rin sa mga kakilala ko: Engineers tend to be more attracted sa mga medical related professionals. Kasi sa sobrang hirap ng trabaho namin at stress, sila yung kadalasan na kayang maghandle sa amin.

In my case, I once ""had"" a Medtech girlfriend, attracted talaga ko sa mga medtech kasi medtech student din kapatid ko kaya medyo nakakarelate ako sa mga kinukwento niya sakin dati. I love the way na inaalagaan niya ako at pati na rin yung mga subjects niyo medyo nagugustuhan ko. Pero syempre, dahil wala namang permanente sa mundo kundi ""change"", may isang pangyayari sa buhay ko na nagpabago sa lahat.

Nagtake ako ng board exam for the first time nung october 2014. I FAILED. Yeah, bumagsak ako. Di ko alam kung saan ako kakapit, ang mas masakit pa doon, hiniwalayan niya ako kasi sabi ""daw"" ng parents niya. Di niya man lang ako nagawang ipaglaban. Ang sakit. Sobrang sakit. Sobrang depressed ako dahil don. Napakasakit yung siya yung tinatawag at hinahanap mo nung mga panahon na yon pero wala siya sa tabi mo. Yung mga pagkahaba-habang messages ko sa fb, kung hindi seen, ewan ko ba, pero mukang naka-off yung notif niya pag sakin. Napakahirap ng wala kang masandalan.

Nasaan na yung pangako mo sakin na ""I will love you even in your darkest hour. I will never leave you.""?

Nung mga panahon na yon, lagi nalang akong nakatulala at napakaraming mga bagay na iniisip. Pero syempre, dapat tuloy lang ang buhay. Nandito pa naman ang family ko para sa akin. Nagpursigi ako, lumipat ako sa isang mas kilalang review center. 3 sessions per day ang inaattendan ko at pati saturday and sunday classes pinapasukan ko. Kung nakita mo lang kung gaano ko pinush ang sarili ko.

Then, nagtake ako ulit ng board exam this march lang. I did it. Thank God. Nakapasa ako. At isa ka sa mga nagmessage sakin sa fb para icongratulate ako. Sabi mo kailangan nating mag-usap for proper closure. Nah, wala na tayong dapat pag-usapan pa. Yun lang pag-iwan mo sakin nung sobrang down ako,sapat na dahilan na. God bless you.

P.S. Girls, please never leave your man kung nag-fail man siya. Kailangan niya ng masasandalan. Babangon yan, it will just take time. Sabi nga nila ""Behind every successful man is a woman"". Totoo yan. Salamat sa Nanay ko. Siya yung babae na kahit kailan, di talaga tayo iiwan.

Salamat po sa pagbabasa. Pasensya na kung mahaba. God bless po sa ating lahat.

unknown
2014
College of Engineering


Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon