Libreng Ice Cream
2nd year ata ako noon. Around 7pm na siguro. Palabas na kami ng friends ko ng main bldg para pumunta ng library. Nakita ko si manong sorbetero sa paglabas namin so naisipan kong bumili.
Ako: Kuya, ano meron?
Manong sorbetero: Ice cream*tawa kami*
A: anong flavor po?
MS: Meron tayong keso, chocolate at mangga.
A: Sige po. Mangga lang.
MS: Saan? Sa apa, sa tinapay, sa baso, o sa palad?
A: (tumatawa) Libre ba yun kuya kapag sa palad?
MS: Oo naman!Sabay hila nang malakas sa wrist ko. Binabawi ko kamay ko pero mahigpit talaga e. Haha. Tapos hindi niya binitawan habang nagsscoop siya ng ice cream, sabay lagay sa kamay ko. :)))))
Kainin ko na raw kaya kinain ko na kesa magkalat pa. Bumili na lang ako ng nasa tinapay. Nangamoy mangga ang kamay ko nun.
Miss Dugyutin
2011
Faculty of Pharmacy
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles