Nandito ako sa unibersidad kung san tayo pinagtagpo
Unibersidad na naglapit sa atin ngunit sa atin din ay naglayo
Siguro nga nasobrahan ako sa aral at ikaw ay nakulangan
At dahil dito ay kailangan mo ng lumisanAng dami pala nating pinagdaanan
Imposible na ata kitang malimutan
Minsan naiisip ko, naiisip mo rin kaya ako?
O ako lang tong tanga na di makamove on sayo?Sino na magtatali ng sintas ko?
Sino na magtutupi ng mga damit mo?
Kapag natutulog, sino ng yayakap sayo?
Sino na ang tatawag sa akin ng ""Mahal Ko""?May hahawak pa kaya sa aking mga kamay?
Magpatawa kapag ako'y nalulumbay?
Sino na ang maghahatid sa akin sa bahay?
Bakit ba naman kasi ako iyo ay sinanayAkala ko ba walang iwanan?
Akala ko ba walang hanggan?
Akala ko talaga ikaw na
Puro akala lang palaIlang beses ko na bang sinabi na di na kita iisipin?
Ilang beses ko na ba sinabi na d na kta mamahalin
Pero eto ako, nagsusulat pa rin
Ng tula tungkol sa iyo at sa nakaraan natinNandito ako sa lover's lane ngayon
Kung saan marami tayong pinagdaanan noon
Nakasandal sa nagiisa nating bato
Eto ako, nagsusulat na nmn ng tula para sayopara sa mga gusto na makamove on:)
Ginny
2012
AMV-COA
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles