Love is Worth Waitin and Fighting For

1.6K 13 0
                                    

I don't believe in love. I hate seeing two persons happy being with each other. Naiinis ako sa mga love stories, sa mga fairytales, kasi nga mas naniniwala ako sa WALANG FOREVER, sa REALIDAD NG BUHAY. Hindi ko alam kung dahil na rin sa nangyari sa parents ko kung bakit ako naging bitter sa buhay, galing kasi ako sa broken family, hindi buo ang pamilya, walang mga magulang na kasama habang hinaharap ang mga pagsubok na dumarating sa buhay.

Pero noon lang yun. Nagbago ang lahat ng pananaw na yan nang makilala ko ang isang guy na siyang nagturo sa'kin kung paano tignan ang brighter side ng buhay.
Nakilala ko sya high school palang ako, 3rd year high school ako during that time. Hindi ko nga alam kung bakit naging kami. He's not my type actually. Masyado siyang mayabang, mabarkada, and yes, walang patutunguhan ang buhay. 4 years ahead sya sa'kin. Madami ngang nakapgsabi samin noon na parang magkapatid lang daw kami, magkahawig daw kasi kami. So yun, sa ilang taong naging kami, sobrang dami na ng mga pagsubok na pinagdaanan naming. First is yung family naming. Hindi matanggap ng both sides naming ang relationship naming. Sa side ko, dahil daw sa running for valedictorian ako and baka maging destruction lang daw siya sa studies ko, which is tama naman sila. Sa side naman nya, my religion is not the same as their religion, sobrang layo at sobrang magkaiba ang pinaniniwalaan. And yun, one of their rules is yung hindi dapat makipagrelasyon sa hindi nila kapareho ng religion, which is considered atang mortal sin para sa kanila. Pero sa katigasan ng ulo namin, we decided to continue our relationship. Kahit hindi kami nagkakasama, kahit cellphone lang nagdudugtong sa'ming dalawa, okay lang, okay na kami sa kahit isang sulyap lang. At the same time, pinatunayan din naming na deserving kami sa relationship namin, grumaduate pa din naman akong valedictorian kahit na may boyfriend ako. Pero kahit ganun, hindi parin sya natanggap ng family ko.

As time went by, ang daming nagbago. Yung love, parang bigla nalang nawala, at mas nangibabaw yung sawa. Ilang beses syang nagloko. Ilang beses ko syang nahuling may ibang babae, at ilang beses rin nya akong nasakta, not physically, pero verbally. Ang sakit. Kasi sa buong akala ko, okay na e. That point, apektado na pagaaral ko. Yung parang wala na akong gana sa buhay, ayoko ng gumising sa umaga kasi alam kong wala na syang magpapasaya sa'kin. Gabi gabing inom, pero sabi nga ng karamihan, no amount of alcohol is going to drown all the pain away. At alam ko sa sarili ko na hindi ko deserve lahat ng yun. Hindi naman sa pagyayabang pero marami ang nagsasabi na I'm the one with beauty and brain. Tapos nang dahil lang sa isang lalaki, sisirain ko ang buhay ko? NO WAY! Pero sana ganun lang talaga kadali 'yun. Pero hindi e. Sa araw araw na ginawa ng Dyos, para kang pumapasok sa isang karayom, at unti unti mong binabaon lahat ng masasayang alaalang meron kayo. Ito nga ay isang proseso. Isang matinding proseso na walang kasiguraduhan kung mapagtatagumpayan mo nga ba ang inaasam mong makapagmoveon.

Pero sa kabila ng mga ginawa nyang yun, palagi nalang rin syang bumabalik at palagi ko rin naman syang tinatanggap. Tanga ko nga siguro pero wala e, mahal ko e. I gave him so many chances which is worth it naman. Malaki na ang pinagbago nya, in a good way naman sa ngayon. Lumabas na yung soft side nya, yung weakness nya. Ilang beses na syang umiiyak sa harapan ko lalo na kapag nagagalit ako, at naiinis sa kanya ng walang dahilan. Sinubukan na rin nyang harapin ang family ko, at pilit nagpakumbaba para lang magustuhan siya. At yun, natanggap na din kami ng both sides naming. Graduate na din kami sa course naming kinuha. Lahat ng gusto ko, binibigay nya. Lahat ng sikreto ko, alam nya. Hindi lang sya naging boyfriend ko, naging bestfriend ko na din sya at the same time. Sya yung nagiging sandalan ko kapag nararamdaman kong sobrang hopeless na ko. Ngayon, 3 years na kami together. Sa awa ni Papa God, naging maayos naman na ang flow ng relationship namin. Magkakababy na nga rin kaming dalawa, real soon!

Ganun naman talaga siguro sa isang relationship. Hindi maiiwasan ang mga problemang darating, challenges lang mga 'yun. Pero nasa inyo na rin yun kung bibitaw kayo or ipagpapatuloy nyo para sa forver na hinahangad nyo.

Forever is a choice sometimes. May forever. Hindi nga lang lahat, nabibiyayaan na maransan ang forever na yan.
Love is worth waiting and fighting for. smile emoticon

Lizana Aister
2010-2011
College of Medicine


Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon