Flavored Shots

2.1K 7 0
                                    

August 5, 2015

Same day po ito ng welcome walk nangyari. Actually, right after lang.

Me and my friends had a hard time in the welcome walk, although we really had fun and it was very memorable, mahirap padin kayang tumayo ng halos isang oras bago makadaan sa arch, magstay ng halos dalawang oras sa gitna ng init ng field para sa mass, at maglakad ng pagkalayo-layo mula sa field papuntang iba't ibang buildings hangang sa gate. Nakakapagod noh? Almost every Thomasian knew how the struggle worked. Pero, it was living our life, a part of our history. All became worth it.

Anyway, so after the welcome walk naisipan naming pumunta ng SM San Lazaro para magpalamig at magpalipas oras. Hindi mawawala sa gala ng barkada ang paghahanap ng ""fafabols"" at ""ka-forever."" Hindi naman sa super malanding way, malandi lang. Yung mga ""just for fun"" thoughts lamang at para sa katuwaan, baka isipin niyo ""harot harot"" namin, ""harot"" lang. HAHAHAHAHAH. Single naman kaming tatlo at nagaral naman kami ng mabuti nung highschool at magaaral pa ng MAS mabuti ngayong nagsimula na ang college layf namin. Hindi ko rin naman sasabihin na ""napakabait"" namin, kasi hindi rin ata, ""mabait"" lang.

Pagdating namin sa SM, una, tumambay muna kami sa foodcourt at nagpahinga. ""Haggardoes"" na kami kaya medyo nagayos lang para magmukha ulit na tao. Nagkalat sila today, daming pogi, halos lahat nang nandun Thomasian. First time lang naming tatlo sa mall na yun kaya nagulat at nagtaka kami kung bakit sobrang mahal ng mga tinda. Yung master siomai 35 pesos! Hustisya!?!! Ngunit, dahil gutom talaga kami pero iniiwasang tumakbo beyond budget, nagdecide kami to stick with the usual fastfood chain, nag KFC kami. Dun kami sa 2 tables na nasa may long couch sa may gilid ng KFC. Kumain na kami habang nagkukwentuhan about welcome walk at mass. Kagaya ng sa foodcourt, madaming Thomasians sa paligid, meron sa Accountancy, Architecture, at Commerce, basta madami! Observant ata kami. Haha. Sa sobrang pagiging observant namin, kung anu-ano na tuloy nakikita. Meron isang grupo ng 5-7 boys na nakaupo sa table across from us, dun sa may other side katabi ng mirror. Mga 3 ata yung naka Commerce na uniform, isang naka civilian, at dalawa nakawhite polo na parang engineering at educ. Hindi naman namin sila pinapansin, kasi strangers sila for us.

I noticed one of the boys looking at us. Ewan ko kung napatingin lang for no reason or gusto lang niya silayan beauty namin (chos, hehe), pero I let it pass. Kakatapos lang ng mass, kaya masama kung mag aassume pa ako ng kung anu-ano; I barely even knew anything about him despite that he was a Thomasian freshie with commerce uniform. My eyes wandered around again while we discussed our schedule for later. Nagland yung mata ko sa table nanaman nila at nagka eye-to-eye kami ng isa pang taga-commerce na uniform at glasses. Sparks ba? Hahahahaha. Hindi naman masyado pero this time tinanggal ko agad gaze ko at tinanong mga kaibigan kong galing commerce at engineering kung kakilala ba nila yung mga nasa kabilang table. Nakatalikod yung iba pero sabi nila hindi raw familiar. Kinuwento ko sakanila yung nangyari while looking at the other side para di obvious na sila pinaguusapan namin.

Then after nun, tinary nilang lumingon dun ulit and tignan. Pag tingin namin, lahat na sila nakatingin sa direction namin which was really... I wasn't sure if embarrassing, funny, or akward. Natawa nalang kami ng mga kaibigan ko ng basta-basta, pero promise we really tried to lower our voices and laugh like grown ladies, but in the end, we couldn't control our happiness and how we expressed it. Yes, our small group loved laughing. Yung careless laughters with pure happiness; those made us feel infinite. Hindi pa kami tapos kumain nun at hindi makatapos kasi natatawa talaga kami. We weren't sure why nagging big deal sila pero ganun naman talaga ata diba? Pagkasama mo mga kaibigan mo, basta walang ginagawang serious crimes, hindi na mahalaga kung bakit basta masaya kayo kahit nagmumukha na kayong baliw. Naisip nga namin baka sinasabi nila ang baliw namin, tawa ng tawa or ang iingay, bahala sila magisip ng kung anu-ano, basta nakakatawa din sila. Baka nga naging cycle lang yun. HAHAHA. Sa sobrang hiya na namin binilisan naming kumain ng Flavored Shots at dali-daliang umalis ng KFC.

Para nga pala sa mga lalaki na di ko sure kung pinagtawanan namin o yung mga tinawanan kami (or tama yung both), gusto lang namin sabihin na thank you nga pala. Hindi man namin kayo mamukhaan if ever magkita tayo around the campus, you will still be part of our own flavorful and historical day. Dagdag story at experience din kayo pag kinuwento namin sa iba kung anong nangyari sa araw ng Welcome Walk namin.

Euphoria
2019
College of Education


Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon