Gwapo, cute, matangkad, mabait, matalino at higit sa lahat magaling magpatawa. Yan yung mga bagay na nagustuhan ko sayo. Hindi pala. Mga bagay na minahal ko sayo. Oo, MAHAL KITA. Inaamin ko yun kahit na kakakilala pa lang natin. Ewan ko ba ang lakas ng dating mo sakin. Natamaan agad ako sayo. Ang galing mo kasi magpakilig. Sa totoo lang, ikaw yung unang lalaki na nakachat ko sa Viber at Skype via video call. Hindi kasi talaga ko nakikipag-Skype at Viber kasi takot din ako. Alam mo na Cyber bullying. Pero sayo, pumayag ako. May tiwala naman kasi ako sayo na hindi ka ganung klase ng lalaki. Ayun nagchat tayo, nag-usap tungkol sa buhay-buhay natin. Gusto kasi talaga kitang kausap kaya tanong ako ng tanong. Ginagawa ko lahat ng paraan makapag-usap lang tayo. Sabi mo pa nga e, mag-meet-up tayo. Pumayag din ako at syempre sobrang kinikilig. Lumipas ang mga araw ganun tayo lagi. Minsan late ka nagrereply kasi sabi mo busy ka. Pinapapasensyahan ko yun kahit na feeling ko nagsisinungaling ka sakin. Kasi naman e, sinasabi mong busy ka tapos nagpopost ka ng picture sa social media kaya naiinis ako kasi feeling ko pinagmumukha mo kong tanga. Pero may mga times talaga na kinukulit kita kasi namimiss kita at nag-aalala ko sayo. Late ka kasi mag-reply.
Hanggang sa......
Hindi ko alam kung anu na nangyari sayo. Wala na kong balita. Hindi ka na nagbabalita. Oo, nag-oonline ka wala na. Hindi mo na ko pinapansin. Yung mga chat at tawag ko wala na. Hindi ka na sumasagot. Kadalasan naman, kapag busy ka, tatawag ka sakin kasi sabi mo para makabawi ka naman sa calls and texts ko. Ilang araw na din ang nakalipas at hanggang ngayon nag-aabang pa rin ako kung may sasagot sa lahat ng texts at calls ko sayo pero wala na talaga. As in wala.
Hindi ka na nagparamdam. Nakakainis lang kasi minahal kita. Nag-assume ako na lahat ng ginagawa mo sakin e may meaning. Akala ko gusto mo din ako. Nagseselos ako kasi may time ka sa iba pero sakin wala. Sa bagay, WALA NAMAN KASING TAYO. HINDI NAGING TAYO. AT HINDING-HINDI TALAGA. Kasi alam ko namang hindi ako yung tipo mong babae. Pero hayaan mo, mamahalin pa rin kita kahit alam kong hindi ganun yung nararamdaman mo sakin. Okay lang, sanay na naman ako ma-ignore ng lalaking minamahal ko. Pero thank you talaga kasi kahit sa maikling panahon nakilala ko ang ""ideal man"" ko sa buhay.
Tapos eto bigla mo na naman akong chinat. Ganun ulit yung nangyari. Syempre
bumalik ulit. Umasa na naman ako. Tapos one time nagtanong ka sakin. Self-evaluation sabi mo. Marami tayong napag-usapan about dun hanggang sa nag-aaway na tayo. Hindi na kita maintindihan yung mga sinasabi mo. Naguguluhan na ko tapos biglang wala na. Bin-lock mo ko sa facebook atbp. kagabi. Kung alam mo lang kung gaano ko nasaktan sa ginawa mo. Gusto kita tawagan ngayon pero natatakot ako sayo kasi baka pagsabihan mo na naman ako ng masasakit na salita. Miss na miss na kita. Sorry talaga. Wag ka na magalit sakin.
Hindi ko na masyadong nilahad about sa mga nangyari kasi baka magalit siya sakin lalo.
Btw, may sinusulat pala kong blog at para sayo yun. Miss na miss na kita. At ginagawa ko ulit lahat ng paraan para makapag-usap tayo kaso ayaw mo talaga. Wala naman akong magagawa dun kasi wala naman akong karapatan e. Okay lang.. Okay.
Sana mabasa mo to. Sana kahit dito man lang magka-time ka para basahin mo to.
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles