Moving On

30.9K 578 46
                                    

Nagpabili ako sa friend ko ng libro sa Book Market.
Di kasi ako makakaonline eh. Kailangan na talaga nung libro.
Fortunately, nakahanap yung friend ko.
She texted, "bukas ah! 11AM, php 250, commerce siya, lalaki, sa amv tree"
Napaisip ako na sana St. Raymund's nalang. Or AB/Com Pav. AB kasi ako e.
Para less effort.
Pero sige. Nakakahiya naman. choosy ko pa, di naman ako yung nakipagdeal.

edi ayun.
10:50 palang nasa amv tree na ako, nagpapalipas ng oras, kumakain.
11:05, i texted him. "HI, good morning!  Ako po yung bibili ng ******, yung sa amv tree po? Dito na po ako. Feel free to meet up with me na po. Text nalang po kayo. Thanks!"
11:15, he replied. "Hello! Kakalabas ko lang po, papunta na po ako diyan. AB right? "
I texted, "yes po ok po see you!"

11:30, wala pa siya. may group of commerce boys na parating. sinubukan kong tumingin at maghanap, baka kasi nandun si kuyang bibilan ko at hawak nya yung libro.
e wala.
at ang kamalas malasan ko pa, nakita ko ex ko.
malungkot siya, pero kausap niya mga kasama niya.
alam kong malungkot siya. pano namang hindi e kuya ko siya nung elementary palang kami. 
alam na alam ko kung anong htsura, galaw, at mga salita nya. 
boyfriend ko siya nung 2nd yr high school ako, at 3rd yr hs naman siya. at nung first sem, nakipagbreak siya sakin.
at sadly, hindi ito isang "it's not you, it's me" na break up.
ito ay isang diretsong, "dahil sayo kaya ako nakikipagbreak" break up.
iniwan niya ako kasi masyado raw akong mature para saknya.
iniwan niya ako kasi masyado raw akong demanding.
iniwan niya ako kasi masyado raw malayo major ko samajor niya.
iniwan niya ako kasi masyado raw akong clingy, nakakasakal.
iniwan niya ako kasi, ako ako.

naramdaman ko yung galit nung time na yon.
kahit malungkot siya at nasasaktan ako, wala na akong pakialam.
naalala ko kung gano siya kaselfish sa akin.

kaya lumayo ako. bago pa kami magkakita.
naglakad ako, dun nalang ako sa health service.
i texted yung bibilhan ko, "hi kuya! health service nalang po, sorry po! d2 na po ako."

11:40 patient akong tao.
pero nung nakita ko ex ko, gsto ko na tlaga umalis.
so i called yung bibilan ko.

sinagot nya, at nagsalita ako agad not minding and not listening to him.
"Kuya, asan ka na po ba? antagal ko na po kasi nag iintay dito oh!"
"Anjan na po, sorry po ate" nagmamadali yung boses niya.

nagmamadali, pero narecognize ko parin.
bakit ba ang liit ng mundo? 
bakit ba hindi ko sinabi sa kaibigan kong may ex ako sa commerce?!
mas lalo akong nainis. binaba ko na yung tawag.
di ko alam kung anong gagawin ko. 
aalis na dapat ako eh
kaso patawid na siya.
nagkaeye to eye contact kami.
bumalik lahat.
lahat lahat.
yung piko nung bata kami, yung cat nung hs, yung sabay na pagkuha ng ustet.. lahat.
sama mo na yung pagmamahal ko.

naiiyak ako.
nilapitan niya ko, i treated him like a stranger.
nilabas ko yung bayad ko, inabot ko, and then binigay nya sakin libro. 
he was speechless.
he was staring at me.
malamang dahil umiiyak ako.
at gusto ko siyang yakapin. pero di ko magawa.
dahil wala na akong karapatan.
wala akong karapatan kase masyado siyang maraming ayaw sa totoong ako.

naglakad nalang ako papalayo, not looking back.
hanggang makarating ako sa ab pav.

umiiyak lang ako.
hanggang sa kailangan ko ng pumasok sa klase.

hindi ko alam kung mahal ko pa siya.
siguro.
hindi naman agad nawawala yun e.
pero he's done with me.

kaya iiyak nalang ako.
and hope na i can move on.
sa tamang panahon, sa tamang paraan.

thanks for making me stronger, al.

- ABCA
FACULTY OF ARTS AND LETTERS

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon