I met you through my sister. Tatlo tayong nasa UST. Same course kami ni ate, ikaw naman sa iba. Way back, 2nd year na tayo, si ate graduating na. Kaibigan ka daw kasi ng kaibigan nya and dun nagstart ang friendship nyo. Once, sinama nya ako sa lakad nyo at dun ko nakilala ang mga kaibigan nya at pati na rin ikaw. To cut it short, naging tayo.
Paskuhan 2007, 1st anniversary natin. Kakaumpisa pa lang ng Ber months, nagpromise ka na gagawin mong special ang paskuhan natin. Dahil sa ginusto ko iyong maging perfect, I decided na dalhin ka sa bahay at ipakilala kita sa parents ko para maging legal na tayo. Bawal pa kasi ako magkaboyfriend, pero gusto kitang panindigan kasi mahal na mahal kita.
Dumating na nga ang paskuhan. You were with me the whole time. You didn't let go of my hand. You whispered sweet things. You kept on telling how perfect I am for you. You hugged me as we watched the fireworks lit up the dark sky. You gave me the perfect night I always wanted.
Pagkatapos nun, medyo nagulat nga ako noong hindi ka tumanggi na ihatid ako sa bahay, pero di ko na lang masyadong inisip kasi naunahan ako ng tuwa eh. Hindi ka tumutol noong hinila kita papasok ng bahay. Imagine how late that was already pero nagpahila ka pa rin sakin. Pero hindi iyon yung mas nakakagulat, mas nagulat nga ako noong nadatnan natin ang loob ng bahay na bukas pa lahat ng ilaw at nasa living room ang sila mama at papa kasama si ate.
Akala ko baka nakaramdam sila na may ipapakilala ako that night. Akala ko sinabi ni ate sakanila na may boyfriend ako. Akala ko hinihintay nila tayo. Well, oo nga, hinihintay nila tayo.. lalo ka na.
Napabitaw na lang ako sa kamay mo noong biglang tumayo si ate at yakapin ka. Wala akong maintindihan. Nalilito ako. Niyakap ka nya ng mahigpit, napabitaw ako sa kamay mo, hindi mo sya tinulak palayo at hindi ka nagtaka kung para saan yung yakap. Magsasalita na sana ako eh kaya lang humiwalay si ate sayo sabay sabing, "Ma, Pa, sya po yun."
Natameme lang ako, naghihintay ng kasunod. Lumapit kayo sakanila habang ako parang tanga lang sa eksena. Papa looked mad, mama looked sad. Wala talaga akong naiintindihan sa nangyayari.
"Katoliko kami at hindi kami pabor sa aborsyon, panagutan mo ang anak ko." Yan lang ang sinabi ni papa matapos nyang makipagtitigan sayo. Tapos umakyat na silang dalawa while the three of us were left downstairs. Hindi ko alam kung dapat ba akong magulat muna, maguluhan o masaktan.
"I'm sorry." That's what you said. I didn't say anything. Ate said the same thing pero wala pa rin akong sinagot. Iniwan ko na lang kayong dalawa doon at sa kwarto ko binuhos lahat. Ang sakit pala.
Hindi ko nga lang mas matimbang kung ano yung mas masakit, yung may nangyari sainyo o yung alam ni ate na tayo pero hinyaan pa rin nyang may mangyari sainyo o yung papanagutan mo sya. I knew for a fact that we're over.
Nagbago ang relasyon namin ni ate, sumama ang loob ko sakanya. And us? We didn't talk, we didn't have our 'proper' closure not until the day before your civil wedding with my sister. I only asked for one thing, I only wanted the truth. Pero ang hirap pala kasi yung katotohanan pa yung nakasakit lalo sakin.
You confessed that as soon as my sister found out that we're dating, she started hitting on you. At first, you didn't like it pero wala ka na ring nagawa noong tumagal pa, bumigay ka. Kung gaano na tayo katagal, ganoon na rin kayo katagal. Hindi ko alam kung ano ang mas masakit doon eh. Trinaydor nyo akong dalawa. That's the main reason why pumayag ako sa gusto ni lola na sumama sakanya sa Canada, right after your wedding, inayos na lahat ng papers ko. I didn't even care kung hindi ko na natapos iyong sem.
I didn't talk to my sister for a very long time dahil sa sama ng loob, maski yung anak nyo hindi ko ginustong makita. Iniwasan ko sya as much as possible dahil alam kong kasama ka nya and I was trying to move on and learning how to forgive you. I only started checking my sister and her son last 2013. At noong nakita ko yung bata, parang may iba, may mali.
At eto ngang December 2014, I went home with my lola. Andun kayong lahat. I realized that I had already forgiven you, pero ang nakakainis, I haven't forgotten everything yet. Pati yung sakit, hindi ko pa nakakalimutan. Lalo na nung magkakatabi kayong tatlo, parang nagback to zero yung pinagpaguran kong pagmove on na yan. Tapos unang beses ko rin nakita yung anak nya ng personal. And you know what?
Hindi man nya siguro aminin, hindi ka man rin siguro nagsasalita but I think the three of us knows the truth. Habang lumalaki yung bata, nagiging kamukhang kamukha nya yung bestfriend mo noon sa UST. But anyways, I wanna thank you for staying with her and accepting the child. You have been a good husband and a good father, just like what I imagined 9 years ago.
G
2004
College of Nursing
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles