Sayang

16.3K 445 33
                                    

May orgmate ako dati from eng, itago na lang natin sya sa pangalang "Rens". Sobrang crush ko si rens. Pero di kami masyado naguusap, nahihiya din kasi ako sakanya. At feeling ko may gusto sya sa isang orgmate namin. Sobrang bait nya kasi sakin, tapos chinito. Pero hanggang tingin at ngiti lang ako. Then one day, nasama sya sa isang car accident. Dead on arrival. Sobra kong iyak ng iyak. Syempre hindi na lang kasi crush yung nararamdaman ko, more than that na.

Pumunta kami sa 3rd day ng burol nya. Hindi na ganun kalungkot yung ambiance kasi 3rd day na nung burol nya. lumapit yung mom nya sa akin

Mom nya: hija, ikaw ba si Kai?

Ako (gulat kasi hindi naman kami ganun ka close ni rens at hindi pa ko nakakapunta sakanila) : opo

Mom nya: madalas ka kasi ikwento sakin noon ng anak ko. Pinakita nya pa nga sa akin yung picture mo. Mama's boy kasi yun e. Haha

Ako: ah. Kasali po kasi kaming dalawa sa *insert org name here*

Mom nya: nasabi nya nga sakin, pero hija, lagi nya sinasabi sakin dati na mahal na mahal ka daw nya.

---

...kung pwede ko lang ibalik lahat.

Kai
2011
College of Commerce and Business Administration

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon