Naaalala ko pa. Oo naaalala ko pa yung araw na una mo akong kinausap about sa isang assignment. Hindi ko alam kung bakit ganun ang naramdaman ko. Kahit saglit lang, naging masaya ako. Nasundan ang pag uusap natin hanggang sa nagkatext na. Nung una puro acads lang topic hanggang sa naging personal na.
Hindi ko ikakaila na nahulog na ako sayo. Palagi kong tinitignan kung may text ka na ba. Hindi tayo ganun kaclose sa personal pero laking tuwa ko nung sinabi mong ""parang ikaw na nga bestfriend ko e"" sa text. Umasa ako na baka parehas tayo ng nararamdaman.
Hanggang sa inamin mo na may napupusuan ka nang babae sa ibang college. Nasaktan ako noong sinabi mong gusto mong tulungan kita. Pero dahil tanga, sige tinulungan kita. Ilang beses ka nabasted, ang sakit din para sakin na makita kang nagkakaganun. Magtetext ka ""uminom kami eh. sakit pala pards"". Gusto kong mapasaya ka.
Lumipas ang mga buwan, 2nd year college na tayo. Lalo pang lumalim ang pagtingin ko sayo. Akala natin nakamove on ka na sa kanya. Naisip ko na baka may chance na ako sayo. So ayun, umamin ako. At tanda ko pa yung sinabi mo ""you're like a sister to me. nothing more"". Araaaay. Simula nun umiwas ako. Umiwas ako kasi nasasaktan na ako.
3rd year, 1st sem. May gf ka na daw. And siya daw ulit. Ewan ko ba pero nagkaayos na tayo. Close na ulit pero di na tulad ng dati. Nasasaktan parin ako tuwing topic natin yung gf mo. Sana kasi ako nalang.
Graduation natin. Niyakap kita. Siguro 1 minute yun nakayakap ako. Sobrang saya mo nun eh. Sabi mo pa ""Congrats satin pards!"". Gusto ko pa yumakap sayo mas matagal kaso andiyan na pala yung gf mo.
Kahapon, dumating yung invitation sa kasal mo. Pupunta pa ba ko? Parang hindi ko kaya. Pasensya na pards kung di ako makakapunta. Hanggang dito nalang, sana maging masaya ka smile emoticon I wish you the best, pards.
Pards
2011
College of Commerce and Business Administration
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles