Matauhan Ka Please

2.8K 7 1
                                    

Bakit kaya ganto. Huehue wala ng magsasabi sakin na mahal na mahal nya ko, na magingat ako. Wala ng magtatanong kung kumain na ba ko. Wala ng magagalit kasi di pa ko umiinom ng gamot. Wala ng susundo sakin kasi delikado yung daan. Wala na.Wala ng hahawak sa kamay ko pag tatawid. Wala ng magagalit sakin kasi nagmamadali ako tumawid. Wala ng poprotekta sakin pag nabastos ako gaya dati. Wala ng magtatanong kung ok lang ba ko. Wala ng magaalala pag may sakit ako. Wala ng bibisita saken kasi namimiss nya ko. Wala na kong ksabay sa jeep pag biyernes at susunduin ako. Wala ng sasandal sa balikat ko pag pagod na sya. Wala na kong mukang hahaplusin. Wala na kong buhok na hahawiin. Wala ng magagalit pag late ako umuwi. Wala ng sasama sakon lumangoy pag bumaha sa UST. Gusto mo pa nga nun na sunduin ako kahit ayoko kasi baka magkasakit ka eh  Wala ng mangfflood sakin. Wala na kong sasabihan ng mahal ko, babe, baby, sexylove at kung ano ano pang tawag. Wala na kong tatanungin kung ano gusto nya mangyare pag kinasal kame. Wala na ko g kasama na maglalakad sa lovers lane. Wala na kong kasama na mag-iikot sa UST. Wala ngla kong papakalmahin pag di makabalance. Wala na kong sasabihan ng i love you ng paulit-ulit. Wala na kong kasabay na kakaon at gagala. Wala kasi ayaw mo na. Para san pa yung inipon ko by na dapat para satin? Mahal na mahal kita eh. Bumalik ka na please. Wala namang iba diba? Sabi mo aral muna eh. Kilala kita pero sana wag mo ko itulak palayo. Andito lang naman ako para sayo eh. Ganun kita kamahal babe eh. Mahal na mahal kita kahit ang daming nagsasabi na bitaw na kasi wala na. Mahal na mahal kita kasi hawak ko pa rin yung mga pangakong binitawan mo na ako lang, tayo lang hanggang huli. 😭 Tanga na kung tanga pero mahal kasi kita. Sana man lang sabihin mo yung dahilan kasi sinabi mo nga di mo ko basta basta iniwan. Gusto ko na mapag-usapan pa natin. Gusto ko na bumalik tayo kagaya ng dati. Sorry kung nakukulitan ka na sakin ha? Walang halong sarcasm pero babe, ayoko lang naman na mafeel mo na nag-iisa ka eh. Ayoko na mafeel mo na sinusukuan ka ng lahat. Ano naman kung babae ako? Sabihin mo lang na mahal mo ko babe, may assurance na ko na ako lang. Di naman kita pagpapalit eh. Sayong-sayo lang yung puso ko. Gusto ko na ipaglaban to hanggang kaya ko kasi ayoko na magsisi ako sa huli na sana ganto, sana ganyan. Mahal na mahal na mahal kita eh, sobra-sobra. Bumalik ka na mahal ko. 😢 Kahit magmuka pa kong tanga na habol ng habol sayo, kung sa future worth it naman ng lahat ng to. I won't mind. Mahal na mahal kitaaa.

P.S.: Wag mo sana itapon lahat ng bigay ko. Tandaan mo lahat ng paalala ko. Sundin mo lahat yun ha?
P.P.S.: Wag mo kasi gawing motto yung "Only know you love her when you let her go." Kung mahal mo ko, balikan mo ko. We are suppose to fight as two. Di ka dapat nag-iisa sa problema mo. Andito ako oh, kahit ano pa yan iintindihan kita. Kahit gano pa kakumplikado yan, wag mo solohin kaya nga ako nandito diba? Para maging partner mo sa lahat ng bagay. Mas nasasaktan ako pag nasasaktan ka. Akala mo tama na pero mali rin pala. Matauhan ka please. Wag mo itapon yung pagmamahal ko sayo babe. 

Ynamorata
2019
College of Commerce and Business Administration


Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon