Bakit Kaya?

2.3K 17 1
                                    

Ngayon, hindi ko alam ang gagawin ko.

Nung nakita ko yung singko ko sa Algebra nung first sem, hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang dahil araw araw naman akong nag-aaral, wala din naman akong bisyo o kahit na anong makakahadlang sa pag aaral ko. Hindi ko alam kung bakit ako yung ginagago ngayon ng mundo. Grumaduate ako ng Salutatorian nung high school kaya alam ko naman ang kahalagan ng edukasyon. Alam ko yung pagod at hirap ng mga magulang ko maipag-aral lang ako dito sa UST.
Sabi ko sa sarili ko na babawi ako at papakita ko sa professor ko na nagkamali siya sa pagkakabagsak sakin.
Edi ayun, kinuha ko ulit yung subject na yun nung second sem. Mahirap at masakit sa pakiramdam yung ikaw nag-aaral ka ulit nung subject na yun habang yung mga kaklase mo nag-aaral na ng Trigo at Ageom. Ang hirap ng naghahabol ka. Pero kailangan, sinabi ko na lang sa sarili ko na challenge lang to ni Lord at binigay niya to sakin kasi kaya ko tong lagpasan. Inaral ko ng mabuti ulit at sa tulong ni Lord, nairaos ko yung subject.
Dahil nabagsak ko ay Algebra, na pre-requisite ng Trigo at Ageom, hindi ko siya nakuha nung second semester at kinuha ko ngayong summer.
Nahirapan ako. Dagdag pa yung kapag condition na kapag nabagsak mo more than 50% ng current load mo, madedebar ka sa engineering. Sobra yung pressure, mabilis yung turo, mabilis lahat lahat. Yung feeling na debar eh sobrang tumatak sa utak ko.
Sinabi ko na lang sa sarili ko na kaya ko tong lagpasan, na challenge #2 lang to ni Lord. Pero it seems like matinding challenge to dahil sobrang nahihirapan na ako. Parang ang kinakalaban ko eh boss level. Yung tipong nag-aral na ako araw-araw, nagnovena na't lahat lahat, parang hindi pa din sapat.
Hindi ko alam kung bakit kulang pa rin gayong lahat naman ng kailangang gawin, ginawa ko. Hindi ko alam kung paano ko to sasabihin sa mga magulang ko na nanganganib ako sa engg. Natatakot ako sa mga sasabihin sa akin ng ibang tao, na salutatorian nga nung high school, bagsakin naman ngayon sa engineering. Hindi ko alam kung pang engineering ba talaga ako o ewan. Hindi ko alam, naguguluhan ako.
Ngayon, hindi ko alam ang gagawin ko.

Dumakulem
2019
Engineering


Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon