Matteo

2.8K 33 0
                                    

First day of my second year, 2nd sem. Panibagong adjustments na naman kasi nag-iba ng blocks. Sa pagkakaalam ko, mga eleven na lang yata kaming natirang magkakakilala noon sa block. Yung iba familiar naman ang mukha, siguro nakikita ko sa hallways. Ayun, mukhang napaaga yata ako kasi tatlo pa lang kami sa loob ng room. Walang magawa, yung tipong nakatulala ka lang at nagpipindot ng ballpen.

First period, inarrange alphabetically, bintana katabi ko sa kanan at itong isang lalaki sa kaliwa na umiinom ng C2. Di ako masyadong pumapansin ng tao kapag first days kaya nakatingin lang ako sa harap. Awkward din naman kasi kung titingin ako sa mukha ng mga katabi ko diba? Ayun, nagulat na lang ako na basa na pala ang pantalon ko ng C2. Unang period, sira na araw ko.

"Sorry! Di ko sinasadya... Hindi ko naman alam na sira ang armchair. Pasensya na."

Hindi na lang ulit ako nagsalita pero mukha naman sigurong naiinis ako kaya hindi na lang din siya kumibo pero nag-offer ng tissue. Yung mga katropa niya nagtatawanan sa likod habang nagpupunit siya ng papel pang-cover sa basang sahig. Natapos ang classes na hindi ko siya kinausap. Habang pababa ako ng building, may pumigil sa balikat ko, at siya na naman.

"Sorry talaga sa nangyari kanina."
"Ok lang."
"May kasabay ka bang kumain?"
"Wala."
"Tara, libre na lang kita, pambawi."
"Hindi na."
"Di, ok lang talaga. Sige kahit sabayan mo na lang ako kumain. Matteo nga pala."
"Alex."

At don nagsimula ang pagkakaibigan namin. Believe it or not, naging magkatropa talaga kami. Masaya naman pala siya kasama. Tuwing may pamatay na quiz sa AMV, kami magkaramay nun. After classes, sabay kaming kumain, minsan kasama tropa namin. Minsan kaming dalawa lang talaga. Nakadorm naman ako kaya madalas, magkasama kami hanggang gabi sa uste. Kwentuhan. Tawanan. Family and personal problems. Nakiki-sleepover pa nga kami sa condo niya e. Well, naging ganun kami kaclose. Bromance masyado.

Everything changed after that one night. Kakatapos lang ng finals namin ng 3rd year. Nag-inuman pero di rin ako masyadong uminom. Nagsiuwian na mga katropa namin kahit ang aga pa at sakin na pinahatid si Alex. Halatang lasing kaya ang hirap ding ipasok sa uste. Parang tanga nga kami, syempre nakainom pa din ako kahit papaano. Tawanan nang tawanan kahit sa mabababaw na bagay. Bale naisipan naming umupo muna sa field.

""Sorry pre tinapunan kita C2 noon. Hahaha""
""Huh? Haha tagal na nun.""

Then he held my hand. Pero hindi ko inalis yun. Napatingin ako sa kanya at nakatitig siya sa mata ko... and he kissed me on the cheek.

Sinapak ko siya. Tinulak. Napamura pa nga yata ako. ""Tol anong ginawa mo?""
""Sorry. Sorry... tol, sorry.""

Yun lang ang nasabi niya paulit-ulit. Umalis na ako papunta ng dorm ko, hindi ko na siya nahatid. Hindi ako makatulog ng gabing yun. Text lang siya nang text, tawag nang tawag pero hindi ko sinasagot. Naisip ko lahat ng masaya oras habang kasama ko siya. Gusto ko rin siya pero naisip ko na pareho kaming lalaki. Best friend turing ko sa kanya, alam ng tropa yun.

Buong bakasyon hindi kami nag-usap pero bago ako umuwi ng probinsya, nagbigay siya ng letter. Hindi ko agad binuksan. Pasukan hanggang graduation, hindi kami nagpansinan. Lagi ko siya iniiwasan kahit mga kaibigan namin na kaclose niya. Blocked sa social media.

After graduation ko lang binasa yung sulat niya, matagal-tagal rin yun. Nakalagay lahat dun ng detalye simula nung una niya akong makita. Nakatabi pa raw niya ako kaagad. Sungit ko raw kaya naisip niya yung C2. Natawa na lang ako... habang umiiyak. Nakalagay sa dulo ng letter na after graduation, aalis pala sila ng tatay niya papuntang London. He was looking forward to spend our last year happily, as friends. Puro sorry ang nakalagay dun kasi natakot siya na baka mag-iba lahat ng turingan namin sa isa't isa. Pero pinili kong hindi basahin yun. Too late. All too late. Sorry, Matt. Isang taon rin ang nasayang.

Hindi pa naman yata siya nakakaalis ng bansa kaya naisipan kong i-text siya, ""May kasabay ka bang kumain? Tara, libre na lang kita, pambawi.""

Pero hindi na siya nag-reply.

After three days, someone did. ""Hello. Sino to?""
Sobrang saya ko nang makita ko yun. ""Si Alex to pre! Congrats, naka-graduate na tayo!""
""Ahh, Alex? Kuya has something for you. This is his sister.""

Nakaalis na nga talaga. Kinuha ko sa bahay nila. Umuwi ako sa bahay. Pagkabukas ko ng box, naluha ako agad nang maalala ko lahat... dahil naisip niyang itago yung bote ng C2 na walang takip."

Alex
2011
AMV - College of Accountancy


Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon