Yung kuya ko, na heart broken sa girlfriend niya na ayaw na ayaw ni daddy. At dahil depressed siya lately, nagpa meeting si daddy sa aming apat na magkakapatid na lalaki. Iba-iba kami ng personality magkakapatid, si kuya outgoing at athletic, madami siyang friends, malakas siya sa girls pero kung magmahal, todo bigay. Si A, relaxed lang palagi pero lapitin ng babae. Si B, baby pa naman siya kaya playmates lang ang inaatupag. At ako naman, pinakatahimik sakanilang lahat. Walang "game" pagdating sa girls. May friends naman akong girls at may nagustuhan ako sakanila at gusto niya rin ako sabi niya kaso hindi ko na alam kung ano ang gagawin kaya hanggang friends friends lang kami.
Sa boys talk namin binigyan kami ni daddy ng advice tungkol sa pagpili ng mga girls na tugma sa kanya kanya naming personalities.
Sabi ni daddy pumili ng babaeng:
-mahilig sa pets, lalo na sa dogs. Iba daw magmahal at magalaga ang mga may aso kasi kung gaano sila kadevoted sa pet nila ay maiaapply nila sa devotion nila sa amin. Kung mayroon daw allergy sa pets, piliin daw ang babae na mapagmahal sa magulang lalo na sa daddy nila.
-malakas kumain at koboy. Pumili ng babae na hindi mahihiya at mahirap pakainin. Note ni daddy: hindi mahiyain ah hindi "walang hiya" dapat daw kung maaari hindi maarte sa kahit anong bagay, madungisan, madumihan ok lang pero syempre naglilinis parin siya haha
-may paininindigan. Dapat daw ay marunong manindigan ang babaeng pipiliin. Dapat kapag ayaw niya ang isang bagay ay paninidigan niya ito tulad nalang ni Nikki Gil.
-alam kung ano ang gusto niya at hindi takot na aminin ito at gawin ito. Maganda raw pumili ng babaeng headstrong kasi alam niya kung ano ang gusto niya sa buhay at hindi siya magpapaligoy ligoy pa. Kung may gusto siya, aaminin niya. Kung may pangarap siya aabutin niya.
Huling advice ni daddy, at ang pinaka mahalaga daw dahil ito ang nakita niya kay mommy, dapat ay pumili ng isang babae na mayaman dahil daw kung ayaw mo na magtrabaho, okay lang raw. At sa pag sabi niya noon ay binatukan siya ni mommy at natigil na ang boy talk. Pero bago kami tuluyang maghiwa hiwalay at bumalik sa kanya kanyang gawain sa bahay, may huling pasabi si daddy:
"Ang babae ay mas mapride pa sa mga lalaki. Pero sa moment na ibaba nila ang pride nila at ipakita nila sainyo na vulnerable sila, ito na ang babae na dapat mong mahalin pangahabang buhay."
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles