Afraid To Enter The New World

3.8K 38 1
                                    

I'm an incoming first year student of the University of Santo Tomas. Bata pa lang ako, nakaka-experience na ako ng bullying. From grade school until high school. Mas dumami nung high school na kasi Catholic school ako nag-aral nung elementary so private and kokonti kaming magkakaklase. So, my world became bigger. Madaming nadadagdag at marami akong nakilala kasi public school na. Dumating sa point na ayoko nang lumabas ng bahay because of them. They made issues and rumors about me na wala namang katotohanan. Kung ano-anong tawag nila sa akin.

First year high school student ako noon. Simula entance examination for high school 6th placer ako hanggang matapos ang 4th Grading Period. Naghahanap na ng model student na aawardan sa Recognition Day kasi matatapos na ang School Year 2011-2012. Nabanggit na sa Top 5 lang pwedeng pumili. Teachers form each year ang magvovote kung sino sa listahan ng nominees ang gusto nilang maging Model Student. Nung napag-utusan ang ibang classmate ko to get the paper with the list of nominees, which is bawal buksan ng iba kundi teacher lang, they made way para masilang at makita kung sino ang mga nominees. They saw my name. Ayan na. Nag-umpisa na silang magkwentuhan sa room hanggang labas ng school. Nagtaka ako kung ano 'yun. Hindi ko na lang pinansin kasi hindi naman ako chismosa. Haha. 😂

Then, one time magkakasama ang Top 10 para gumawa ng Kasaysayan ng Klase na dapat 'yung Top 1 ang gagawa. Nasa isang bahay kami ng kaklase ko. Sa harap ko mismo, tinanong ako ng Top 1 namin: ""Kasama ka pala sa pipiliin ano? Akala ko ay Top 5 laang. Sabit ka pala doon."" Parang ganyan. Basta may word na ""sabit."" Masakit. Hindi ko pinakita na nasaktan ako. Diretso lang ako sa ginagawa.

Lumabas na ang final result ng ranking for our first year in high school. I made it to the Top 4! Why? Or how did that happen? Kasi, mas active ako sa co-curricular activities. Sa'min kasi is:

70% - academic

30% - co-curricular activities

Mas gusto ko sa labas ng school kasi doon, hindi ko sila nakikita. Haha. 😂

Nalaman ng adviser namin 'yung nangyari. Hindi natuloy outing namin gawa doon. Bakit daw ako babansagan at sasabihan ng ""sabit,"" at kahit isama daw buong batch namin, hindi daw sila ang mapipili gawa nang ganoon nilang ugali at hindi mababago ang boto at result. Iyak ako ng iyak during that time. Ilang araw ko 'yung dinamdam. Nakita rin ako ng guidance counselor namin na Lola ko. Sinugod nya room namin para mapagsabihan lahat. Salamat sa concern nila at medyo natauhan naman ang iba.

First Year student din ako noon nung may counting kasi officer ako ng Supreme Student Government, Chairman ng 1st Year Representatives, kaya kasama ako pagbibilang ng perang binoto ng candidates for the Search for Mr. and Ms. *name ng school namin*

May nadaanan kaming couple, parang niloloko lang nung boy 'yung girlfriend nya. Sa akin tumitingin. Pagpunta kong room may mga nagpaparinig na:

""Salot talaga ang magaganda ano?""

""Oo nga. Salot talaga.""

""Nakakasira ng relationship.""

Grabe. Kasalanan ko talaga? 😢

Then 'yun, 2nd Year High School na, pinapalabas na ako naman ang masama. May issue pa na paawa daw ako kapag election kaya na-elect ulit akong Chairman ng 2nd Year Representatives naman. Bahala sila. Basta ako, naglingkod ako at hindi plastic. I was elected as the Vice President nung 3rd Year High School and President na nung 4th Year. Sa Supreme Student Government, which is the highest organization that a student can be involved in. 'Yun sa'min. Sinisiraan nila ako na kaya daw ako nanalo because of fame and popularity.

Magaling lang daw akong kumanta, pero hindi magaling mamuno. Grabe. Sa isip ko naman: ""Kung hindi nila nakita 'yung progress, edi sana hindi na ako binoto ng mga students nung una pa lang.""

Buti na lang may in-offer sa'kin 'yung principal namin na pinaka-mataas na award para sa high school student na mapipili ng Department of Education. Sabi ko sa sarili ko: ""Ito na siguro ang magpapatunay sa sarili ko at sa kanila.""

And dumating na 'yung result. I got it! I received the award. May tarpaulin na naka-post sa school. 3 sa principal at 3 rin sa'kin. Alam mo ang ginawa nila? Nag-congratulate pero may panlalait pa din. Galing 'no? 😂

Wala na talaga akong magagawa siguro sa kanila. Hindi ko sila ipi-please.

The hardest part ay nung mismong teacher ko ang nambully sa'kin. Hindi lang ako nakapagpasa on-time kasi nag-exam ako noon at nagbiyahe nang malayo. Marami kaming hindi nakapagpasa.

Sa harap nang marami kong kaklase, she said: ""Oh, 'di ba *name ko*?? SSG President ka pa naman. Leadership!""

Nagtinginan mga kaklase ko noon sa'kin. Nung lumabas 'yung teacher, tinanong nila kung okay lang ako. I smiled and I said: ""Of course.'Yun lang naman 'di ba? Tapos na. Hayaan niyo na. Sanay na 'ko."" Hanggang uwian pinagtatatanong nila ako.

She's unfair! Ako lang ba ang hindi nakapagpasa? Anong gusto niyang palabasin? Na masama akong president ng school gawa lang noon? 'Yung tren-trenan niyang activity? In-approach ko naman siya kung kelan pa pwedeng magpasa bago magklase, sabi niya hindi na niya tatanggapin. Automatic zero sa activity na 'yon.

Nalaman ng mommy ko sa tatay ng kaklase ko after ilang weeks at nagalit sa'kin mommy ko kasi bakit daw hindi ko sinabi sa kanya ang problema ko, na parang pinahiya ako. Kaya daw ako tulala sa bahay gawa noon. Pumunta ulit ako kasama na ang mommy ko sa Lola kong guidance counselor at pinagharap-harap kami. Iyak ako ng iyak. Nalaman ko din na tinanggap nung teacher namin na 'yun sa Economics 'yung sa Top 1 namin na late na din ang pagpapasa tapos mas mataas pa ang score sa mga naunang magpasa. Umiyak ako nung umiyak din ang mommy ko. Masakit.

Then, you know what? After a few days, nung nagbuklat ako ng notebook ko sa Economics, sinulat ko pala 'yung sinabi nung teacher na 'yun sa akin. Hindi ko talaga alam na sinulat ko pala 'yun. Nagulat ako sa sarili ko.

Parang nawala talaga ako sa sarili.

Nakaapekto sa grades ko 'yun. Hanggang dumating 'yung time na halos pagtulungan na nila akong lahat. Mapa-estudyante at mapa-teacher. Wala naman akong ginagawang masama.

Nung ako lang ang pumasa sa USTET sa lahat nang nag-exam from our school, sabi ko sa sarili ko: ""Ito na 'yung chance ko.""

Sabi ko pa: ""After Graduation sa high school hindi ako magpapakita at magpaparamdam sa kanila hangga't wala akong nararating at hanggang wala pa akong napapatunayan.""

Marami na akong napagdaanan at natutunan. Hindi lahat masaya. Masasabi kong blessing pa rin sila sa'kin kasi hindi ako magiging ganito ngayon. Thankful pa rin ako kay God gawa nila. Bahala na si Lord sa kanila. Magiging humble pa rin ako kasi 'yun naman ang dapat.

Now my question is how can I be so sure na wala talagang bullies sa UST? Meron ba? I know sa UST, and I'm expecting na halos lahat ng students are well-mannered naman. Sana magkaroon ako ng real friends, kahit konti basta totoo. 😊☺ God bless!"

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon