NBSB

1.9K 23 1
                                    

"Maganda ka naman, matalino, mabait. Bakit single ka pa din?"

Yan ang madalas sabihin sakin ng iba. Ako yung tipo ng babae na independent. I didn't mind na walang nanliligaw sa akin. Pero deep inside, I was actually a hopeless romantic. I always imagined myself na masaya with a guy I love. Up until nagcollege ako. NGSB din yung kuya ko kaya he knows how I feel. One year ahead lang sya sakin pero nung nag-first year ako (2nd year na sya), he found a girl worth loving. Niligawan nya and after 3 months, naging sila. I was happy for them. Finally, nakita na ni kuya ang happiness nya. Pero kahit anong sabihin ko na masaya ako para sa kanya, di ko mapigilan na mainggit. Syempre, bilang the typical teenager that I am, nagkakacrush din ako. I met this guy from Commerce through a friend. Naging close kami at unti-unti akong nahulog sa kanya. Then one day, nagtext sya kung pwede daw ba kami magkita. Kinabahan ako pero at the same time naexcite kasi makikita ko ulit sya. Nung nagkita kami, nagglow yung mata na (I kid you not). Then he finally said it. MAY GIRLFRIEND NA DAW SYA. Gumuho mundo ko pero I tried to be happy for him. Ang sakit pala talaga. Simula nun, I always questioned myself. Bumaba ng todo ang self esteem ko. Dahil sa nangyari sakin, naging matigas ako. I always built walls around me to protect myself. I never let anyone in. Di na ako nagtiwala agad sa iba. Madalas na tuloy ako sabihan ng mga kaibigan ko na manhid. Di ko hinahayaang diktahan ng something as simple as lovelife yung happiness ko pero di ko mapigilan. I hope it isn't too late for me. Gusto ko lang sabihan yung mga in a relationship dyan. I-appreciate nyo kung ano meron kayo lasi ang daming tao dyan na inaasam kung ano'ng meron kayo. Stay happy!

Dory
2017
College of Science


Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon