I am an archer who is trying to chase the tigress of my life. It has been 7 years since i first saw her, and up to now i can picture that moment clearly. Natatandaan ko pa yung yellow shirt at Skechers na suot niya. Sinabi ko pa sa sarili ko noon na aalamin ko ung pangalan niya. Naging close kami nung 2nd year high school na. Favorite ko pang kanta nun ay yung beauty and the beast kasi siya maganda tapos ako pangit. Ayaw kong mag assume na naging mag-MU kami, pero sabihin nalang natin na naging close kami. Unfortunately, hindi rin kami natuloy kasi nagkaroon ako ng girlfriend, tapos siya rin nagkaroon ng boyfriend. Hanggang sa mawala na totally ung communication namin. Fast forward 2012, nag UST siya, tapos ako nag DLSU, akala ko mawawala na yung nararamdaman ko para sa kaniya, kasi may girlfriend din naman ako. Pero sa totoo lang hindi talaga nawala. Hindi ko rin alam kung bakit, pero iba yung feeling pag napapadaan ako sa FB niya or dumating yung time na naiisip ko siya. Hanggang sa nag-break kami ng girlfriend ko. Inamin ko narin sa sarili ko na hindi ko kayang kalimutan siya (si tigress) at baka siya talaga ung babaeng mamahalin ko. So after gathering some courage and deciding on what I really want, I told her bestfriend that I want to take a chance. Gusto ko magtry kahit na sa bandang dulo walang mangyari. So nagtry ako, tinetext ko siya, nagrereply naman, pero most of the time hindi. Sguro sa 20 times na text ko sa kaniya mga 3 times lang siyang nagreply. Recently, nalaman ko na meron siyang iba. Pero nakapag decide nako na hindi ako susuko, kasi paano kung siya talaga, paano ko susukuan ung taong gustong gusto ko, ung taong hindi ko makalimutan, yung taong napapasaya ako marinig ko lang ung boses o kahit marinig ko lang ung pangalan.
Hi Miss Tigress, kung binabasa mo man to, gusto ko lang sabihin na hindi kita nakalimutan. Na tuwing nakikita kita, or pag iniinis ako ng bestfriend mo na andiyan kana, pakiramdam ko ung puso ko nasa tiyan ko, un nga siguro ung sinasabi nilang 'butterflies in the stomach' naffeel ko lang un sayo. Hindi mo lang siguro napapansin pero pag nakakausap kita hindi ko mapigilan magsmile, sa totoo lang mukha akong tanga dahil pinipigilan ko talang ngumiti kapag andiyan ka na. Alam ko meron kang iba, pero hindi parin ako susuko, kasi aaminin ko crush na crush kita, hindi na nga yata crush to, I think have fallen for you. At kahit na sa bandang huli mabusted lang ako o mareject, hindi ako magreregret dahil ginawa ko lahat para sa taong gusto ko at sa taong alam kong magiging masaya ako at ayaw kong palipasin tong opportunity na to kasi alam kong hindi na ako makakahanap ng katulad mo. Hindi ko akalain na after 7 years ikaw parin, mahal na yata talaga kita. I'm willing to wait for another 7 years just to be with you and if ever that is the will of God.
Bublè
2016
DLSU
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles