Lovenat

11.4K 336 28
                                    

Naalala mo pa ba? Nung 4th year tayo, nagka-chicken pox ako tas nagabsent ka ng 1 week para lang maalagaan ako. Sinabihan kita na wag ako lapitan dahil mahahawaan kita. Pero makulit ka, ikaw parati nagaalaga sakin at nahawaan kita. Sabay tuloy tayo nagka-chicken pox. Pinagtatawanan tayo ng mga classmate natin kasi akala nila mga pimples yung nasa katawan at mukha natin.

Nung nagkalagnat ka, pumunta ako sa bahay nyo para alagaan ka at nakipag-kulitan ka pa sakin. Kinabukasan, may lagnat na din ako. Nung tinanong bakit tayo absent ng 3 araw ng teacher natin, sinabi nating nagka-lagnat tayo at inasar tayo ng mga kaklase natin na Lovenat daw yun.

At nung bago mag-graduation, nagka-sipon ubo ako, pero dahil parati tayong nagkakahawaan, nahawaan nanaman kita. Kaya sa Valedictorian speech mo at Salutatorian speech ko, ubo at haching ang bumuo ng speech natin.

Kaya ngayong may Leukemia ka, pwede hawaan mo din ako? Para sabay nalang tayo mamatay? Kasi Justin, di kita kayang mawala. Sa lahat pa naman kasi ng sakit na pwede mong makuha, yung hindi pa nakakahawa. Haha. Pero Justin, lagi momg tandaan, kahit na mukha tayong ewan dahil dun sa mga pantal galing sa chicken pox, kahit na mukha tayong zombie nung nahawaan moko ng lagnat, at kahit na singhot tayo ng singhot nung mga speech natin, yun yung mga bagay na hinding hindi ko makakalimutan. Mawala ka man dito sa mundo, madami ka namang alaala na iiwan sakin. 

Sakitin 
2011 
College of Architecture

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon