Wag judgemental

12.5K 216 17
                                    

Hi! Sana mapost po ito 'cos I really wanna let it out. Nakakainis at nakaka-insulto na kasi.

I'm a 3rd year college student taking up Bachelor of Science in Tourism Management. Ang kursong palaging nasasabihan na walang alam kundi magpaganda, puro arte lang at walang laman ang utak, ganda lang ang pinapairal at kung anu-ano pa na masasakit na salita na binabato sa aming kurso.

Kahit anong kurso ang kunin mo, lahat mahirap, walang madali. Kanya-kanya lang naman ng trip yan eh. Kung saan ka magaling, dun ka. Kung magaling ka sa math, kumuha ka ng BS Math, kung hilig mo magturo, mag-teacher ka, kung mahal mo ang pagluluto, mag-HRM ka, kung gusto mo makapunta sa lahat ng lugar domestic man o international, matutunan ang iba't-ibang lengwahe at kultura ng mga bansa, makasakay ng eroplano o kaya ay barko, kumuha ka ng kursong Tourism. At ito nga ang kinuha ko at namin ng mga kapwa ko Turismo dahil yun ang gusto namin at doon kami magaling.

Masasabi mo bang madali ang kursong Tourism kung lahat ng bansa sa buong mundo ay dapat alam mo ang kani-kanilang capital? Anu-ano ang mga tourist attractions na maaari mong makita bawat lugar? Ano ang kultura ng bawat bansa? Madali bang kabisaduhin ang world at domestic map? Ang mga codes ng airports at airlines? Ang pag-aralan ang iba't ibang lengwahe tulad ng french, hangul, mandarin at nihonggo? Yan ba ang madali?

Maarte naba kaagad ang palaging nakaayos? Palaging nakapostura? Full make-up? High heels? Oo, maarte kami in a way na kaya naming dalhin at nasa lugar. Ako mismo sa sarili ko aminado ako. Kasi babae kami at halos babae ang kumukuha ng kursong Tourism. Natural at normal lang na mag-ayos kami dahil isa yun sa mga qualifications ng pagiging isang flight attendant, ang maging maayos sa sarili at kaaya-ayang tingnan. Dahil sooner or later, ang trabaho namin ay i-serve ang aming mga guests at humarap sakanila ng maayos ang itsura.

Masakit at nakakainis bilang isang estudyante na kumukuha ng kursong Tourism, ang masabihan ng ganung mga bagay. Tingin ng iba, puro pagpapaganda lang ang alam namin at walang laman ang utak. Masakit marinig ang mga ganung bagay. Ikaw kaya ang masabihan at nasa lugar namin, what would you feel?

When I was in 1st year college, I thought everything would be easy. Qualified ka maging tourism student kung may height ka ng atleast 5'4 above, kung maganda ka, maayos ngipin mo, makinis ang balat mo at walang peklat. But while I'm growing up and learning many things, naisip at naranasan ko na hindi lang physical attribute ang kailangan mo. You need to be smart all the time. It's not always the beauty, yes, it is part, but you also need to be smart always. Beauty and brain, sabi nga nila. Especially kapag nagttraining ka na.

After studying and memorizing everything related in tourism, that's not yet the end. Dahil pag trainee ka na, doon palang magsisimula ang tunay na hamon at laban bilang isang tourism. Ihuhulog ka from 36ft sa tubig just to test you kung marunong ka lumangoy, pag-aralan ang parts ng eroplano at kung anu-ano pa. Lahat yan, gagawin namin sooner.

I wrote this cos I wanna let people know na mali ang iniisip nila sa aming kurso. I know kanya-kanya ng opinion yan, but I just cleared things out. Be insensitive and show some respect.

Mabuhay ang Turismo. Viva Turismo!

GirlOnFire 
2014 
College of Tourism and Hospitality Management

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon