One Of The Boys PROBLEM

4.2K 67 3
                                    

HINDI AKO BUGAW.

HINDI AKO MALANDI.

KAIBIGAN KO LANG TALAGA ANG MGA LALAKI KAHIT NA BABAE AKO.

Nung bata ako puro lalaki ang mga bata sa neighborhood at may kuya ako at puro lalaki ang pinsan ko. So alam niyo na ang kinahinatnan? One of the boys ako. Mas kumportable lang akong mag-share at makipag conversation sa lalaki pero madami din akong kaibigang babae.

Pero grumaduate ako sa All-girls school nung Highschool at mula ng college kinukulit na nila akong ""ipakilala"" sila sa mga kaibigan ko na lalaki sa batch. NAKAKAIRITA NA. HINDI PO AKO BUGAW frown emoticon. Sinabi ko na sa inyo, kaibigan ko sila. Wag niyo silang tignan na parang steak na kinokolekta. May puso po ang mga lalaki at halos lahat po ng nakilala kong lalaki lalo na sa arki eh gentleman at mabait. Hindi po ako hingian ng number ng lalaki. Hindi ako factory ng ka-date. Mga kaibigan ko sila at hindi sila mga bagay lang na kung kani-kanino lang pwede i-partner dahil sa tingin ko eh ""bagay"" kayo. Kung gusto niyo po magka-lovelife wag po kayo manghingi sa akin. Meron po kayong tadhana. Sinabi ko na to sa inyo dati pero malandi pa rin kayo twing nakikita niyo yung tagged photos sa akin. Ini-stalk niyo sila at nahihiya na ako para sa inyo. Sabi niyo pa ""ayos lang na anakan niya ako"" porket gwapo yung isa kong kaibigan. Nakakarindi dahil kilala ko yung lalaki at kilala ko din kayo. Wag niyong gawing basahan ang sarili niyo dahil lang gwapo. At hindi po pagawaan ng anak ang kaibigan ko pls.

Secondly, sa mga girlfriend ng kaibigan ko. Wag naman kayong OA. Finorward ko lang yung announcement ng PRO namin dahil nagpalit ng number ang boyfriend niyo (na friend ko) tapos galit kayo agad? Warfreak agad? You'll call me names agad? Nagmamagandang loob lang ako. May feelings po ako. At oo malamang kakausapin ko yung boyfriend niyo about sa nangyari DUHHH alangan hayaan ko lang na saktan niyo ang pakiramdam ko. Ikaw, girl. Sinamahan lang ako ng boyfriend mo sa Joli's inaway mo agad ako. Tapos sasabihin mo ""Sana hindi na to makarating sa boyfriend ko."" Gago ka ba? Mangaaway ka tapos makikiusap ka? Wag ako iba nalang. Pasensya na rin kung palagi ako kasama sa tagged photos ng boyfriend mo at ng barkada niya. Pano kasi parte din ako nung ""barkada"" kaya wag kang magulo. Nung surprise birthday ng boyfriend mo ako lang ang di mo ininvite sa ""barkada"" namin? Ang iinsecure niyo! Ilang beses akong natawag na malandi pero sa totoo lang KAYO YUN EH. Siguro dahil pag may kaibigan kayong lalaki eh nilalandi niyo agad kaya ng nakita niyo na kaibigan ko ang boyfriend niyo feeling niyo naman gagawin ko ang gawain niyo. Pweh!

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon