A 5 Year Journey

5.1K 58 0
                                    

1st Year: Late na ko sa aking 1st day sa AMV-COA. Nagmamadali akong umakyat at tumakbo sa classroom. Pagbukas ko ng pinto, all eyes were on me as if I was some handsome devil who graced their presence. Wala pang prof, so tumuloy ako at umnupo sa likod. Nung pagdating ng 2nd period, inarrange kami in alphabetical order. Dun ko sya nakilala, ang mnagiging 1st love ko. Para sa akin, isang panibagong simula ang 1st yr college mula sa mapait kong HS life (I hated HS). Pero di ko alam, na hahabulin ako ng aking nakaraan. Everyone (maybe not everyone, but it felt like that) hated me. Di man sila upfront dun, nagawa pa nila ibackstab ako sa group page namin sa fb at one point. Pero ayun, sya na naging 1st love ko ang naturing kong 1st real friend ko. She reached out to me when everyone else shunned me. Di ko rin akalain na somehow she would hate me. I survived my 1st year with okay grades but with zero friends. It was bitter but I closed off my heart to numb the pain.

2nd Year: Almost same set of classmates, pero nung summer bago magsimula ang S.Y., I met two people sa fb na kabatch ko sa AMV. They'd be my closest friends, yung isa becoming my best friend pa. May accounting na sa 2nd year, and surprisingly, okay performance ko. 1.5 sa Acctg1A&B. Nung 2nd sem, some of my classmates started "being nice" to me. Yung naging 1st love ko nung 1st year na di ko pinansin for about 6 months since 2nd year started pra mag move-on, somehow "nagbati" kami. Also, first time ko mafeel ang pagiging third wheel nung nag-aral kami sa SB and later yung isang guy classmate namin dumating and tabi silang dalawa. They were "sweet" so I took the hint and left when I was done studying, na di nila napansin. Na exempt ako sa retention exam, pati rin best friend ko. Same day after learning of such news, nag heart to heart kami about our lives, get to know, ganun. We cried in front of each other and for the first time in my life, may nagyakap sakin.

3rd Year: New set of classmates. Most of them seemed nice. Isa sa naging kaklase ko ay isa sa mga naging ""kaaway ko"" nung 1st year ako. Medyo okay kami at this point. First time ko makatikim ng sobrang baba na quiz result, sa Fin Acc 1 at Cost Acctg. Depressed, but best friend motivated me to not give up. I rose from the ashes and made a comeback. Also, may Gen. Assembly rin sa JPIA, wherein lahat ng sections ng 3rd year and 4th year BSA ay nagperform for 5 mins, competing for the best performance. We terribly lost. Also, issues occurred during the GA preparations.

4th Year: Not much, pero yung GA ulit, mas matinde naman naging issue sa klase. We worked harder than last time, expecting to win. Kahit yung ibang section ganun din tingin. Still, we lost. Also, thesis wherein kagroup ko si classmate na dating kaaway naging kaibigan. Malaki pasasalamat daw nya sakin na kagrupo ko sya. Acadswise, Advanced Accounting 1 lang naman and possibly auditing theory nagpapaiyak samin. On the bright side, naka uno ako sa Negotiable Instruments Law.

5th Year: The final frontier. Sa 1st sem ako nagtapat sa best friend ko na nain-love ako sa kanya. Rejected, as expected, but I'd rather live a life full of "oh wells" than "what ifs." Also, retreat wherein maraming iyakan and closure naganap. One of the best highlights of my college life, yung Retreat. Sarap ng kape sa Caleruega (might have spelled that wrong). Aud Probs and Advanced Accounting 2 main hurdles, but I pulled through.

5th Year, IAC: Final Form ng 5th Year, ang IAC. Integrated Accounting Course. Basically board exam subjects. A sort of "review" pero di talaga review for the boards. Dito talaga mapipilit ka mag-aral halos araw-araw. Di ka lang mag-aral sa isang araw, maguiguilty ka. 4 comprehensive exams to conquer. Nakakaiyak pra sa marami, pero ako, sa lahat ng dinaanan ko sa college, sa buhay, di ko hinayaan maiyak ako ng IAC. Nakakapagod, nakakakaba, pero never ako umiyak dahil sa IAC. Mostly dahil sa loneliness but still. Kelangan maging strong. Also, classmate ko si 1st year 1st love, and dito lang talaga we patched up. Medyo naging distant kami ni best friend, little to no communication for 4 months. mostly on her part. Still, may IAC na dapat ifocus.

Eto na ko, natapos na lahat ng kelangan gawin. Nakasurvive sa 4 na comprehensive exams. Halos mabaliw na ko sa kakaaral nang sobra para lang magmemorize ng mga kung anu-ano. But we made it. Well, some of us. Truth of the matter is, di lahat ay mamarcha tong June. May casualties na naganap. Honestly, confident naman ako na ok ako, pero nandun pa rin ung kaba, yung lingering possibility na baka may bagsak pala. Still, I did my part. All I can do is pray and wait. Sa mga di umabot, well, it's not the end of everything. I'm in no position to say this, but don't give up. Maybe now is not the time, but in His time, let His will be done. Syempre, we must do our part as well.

Hopefully, this will mark the end of my 5 year journey in UST. College life is so much better than HS life, for me at least. Though mas matindi ang mga sakit na dinanas ko, thankful ako na nangyari sila at natuto ako nang marami. I grew a lot since I was a freshie. Masasabi ko lang sa mga on the way to the top, the view is spectacular. So never give up, keep fighting, and good luck to all.




5YearsASlave 

2010 

AMV College of Accountancy

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon