Nung pasukan na nung July, sobrang excited ako pumasok nun dahil wow ito na, papasok at makikita ko na yung dream school ko. Makakaexplore na ako kung saan saan at makikilala mga blockmates ko and other Thomasians. Yes, they are so frieeeendly!! Puno ng saya sa freshmen week namin lalong lalo na sa WELCOME WALK. So ayun, mag regular classes na and this the beginning of the road to real world. (naks) *FAST FORWARD* labasan na ng grades nung november and I admit, may isa akong bagsak. Yes, binagsak ako ng best professor at sa Asia pa sa college 'kong 'to. Sobrang hindi ko alam gagawin ko kasi first time nangyari 'to sakin at hindi ko alam pano sabihin sa mga magulang ako. Yung mommy ko kasi sobrang strict niya samin kaya wala akong guts para sabihin sakanya ng tungkol dito. Even my siblings hindi ko rin masabi, sa mga ate ko. Ang nakakaalam lang yung mga friends ko sa block.
Umabot ako ng 3 days sa pagiiyak, sa pag mumukmok, at pagpigil ng luha kapag kaharap na sila. Yung kailangan na talaga nilang malaman dahil hindi ko kailangan itago to ng matagal, nag pakatatag ako, bumangon at syaka ko lang sinabi. THE REST IS HISTORY.
This second semester, alam kong meron na naman akong isang bagsak. Ito naman, hindi ako nakaabot sa percentage na 75% at hindi binaba ang passing grade kahit kalahati yung medyo sablay. Hindi pinagbigyan ng prof. kaya 75% pa rin talaga at 73 nakuha ko. Malapit na lumabas grades, hindi ko alam pano ulit sabihin. Kinakabahan ako. Meron din kasi kaming family problem tapos feeling ko magpapadagdag pa ako sa mga problema.
Gusto ko maging positive sa mga bagay bagay pero patong-patong na rin kasi lahat ng mga problema namin sa bahay pati na rin sa school. Ayoko maging nega sa sarili ko, kung ano ano iniisip pero kung kayo nasa posisyon ko, maiiyak na lang kayo. Nakakabaliw. Feeling mo isa kang malaking disappointment sa family. Ang pangit tignan sa transcript kapag umapply na sa work. Yes, grades would not define me as who I am right now. Pero sa panahon ngayon wala eh, dun na basehan. Kapag mataas grades mo, matalino ka. Kapag mababa at puno ng bagsak, hindi ka nagaaral, wala kang alam.
Eto lang yung transition. Yung point ko lang, wag masyado mag chill chill. CHILL-meaning yung after ng school, gagala na parang walang acads. Pupunta kung san san basta may mga inuman dun, at iba pang mga rebellious stuff. Oo, masaya mag enjoy kasi yung mga hindi mo nagawa nung highschool, nagagawa mo ngayong college. But NOT TOO MUCH. We should know our LIMITATIONS when it comes to these instances. And always remember, "There's always a nextime" to everything. Hindi nauubos ang days laging may nextime at laging may bawi. Pasensiya na kung mahaba at kung may pagkagulo pero sana may realizations din na nakuha or inside thoughts man lang. Hindi lang sa mga bumagsak 'to para na rin sa lahat lalong lalo na sa incoming freshies. Ayun, wag din masyado maging kampante.
A failure is not always a mistake, it may simply be the best one can do under the circumstances. The real mistake is to stop trying. Life is too precious to stress yourself out by worrying about everything. Relax, have fun, and enjoy the learning process. Winning is great, sure, but if you are really going to do something in life, the secret is learning how to lose. Nobody goes undefeated all the time. If you can pick up after a crushing defeat, and go on to win again, you are going to be a champion someday.
And Sometimes by losing a battle you find a new way to win the war.
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles