Shoplifter III

2.1K 10 1
                                    

To the shoplifter, I feel you.

Isa din akong shoplifter. Oo. Isa din akong shoplifter. May kaya kami, oo. Pero yung mga bagay na pwede namang nakawin, at hindi na bayadan, ninanakaw ko. Foods, earrings, even make up. One time, nasa SM ako. First time kong ittry sa Watsons. Ng may nagustuhan akong lipstick and brush, kinuha ko. Hindi ko alam na susundan pala ako ng saleslady nung brand ng make up na ninakawan ko. Pumipili na ako ng wipes ng naramdaman ko na sinusundan na ako nung fierce na saleslady. Lumapit na siya sa akin then nagtanong na siya kung nasaan na daw yung mga kinuha ko sa kanya, and shit, syempre nasa bag ko. Nilito ko siya sa pag aakalang makakalimutan niya and papabayaan niya, ang sabi ko parang nilagay ko dun. Nilagay ko dun. pero ang totoo, tsumetsempo na akong iwanan yung lipstick sa isang lalagyanan sa Watsons. Ng pakunwaring nakita ko na ang lipstick, hindi pa din niya ako tinigilan at brush naman ang hinanap niya. Pinasamahan niya na ako sa guard sa paghahanap nung brush, and yes hindi ko alam kung paano ko iiwanan somewhere yung brush dahil all eyes are on me. Beast mode na din yung sales lady and kasama na namin yung manager. Hanggang sa umamin na ako sa ladyguard kasi hindi ko na kaya. At tulad ng ginawa sa nagshare dito sa USTF, dinala din ako sa office ng SM, gustong gusto kong tumakbo papalayo sa ladyguard pero alam ko na kung papalag ako e mas lalaki pa ang problema ko. Kabang kaba ako dahil ang layo ng pupuntahan, at nung dumating na sa loob, hiyang hiya ako sa sarili ko, iyak din ako ng iyak. Sobrang iyak ako ng iyak. May dala akong ID pero hindi ko pinakita, lahat pineke ko. Pangalan ko, age ko, school ko. Sorry sa mga taga FEU pero sinabi kong taga FEU ako dahil ayaw kong malaman nilang Sa UST ako nag aaral dahil ayaw kong malaman nilang may estudyanteng magnanakaw sa UST. Dahil ayaw kong ipahiya ang UST. Madami pa akong ninakaw sa Department Store, suklay, lipstick, at hand sanitizer. Hindi ko alam kung paanong tumama yung 19y/o ako tapos tinanong niya kung anong year ako ipinanganak, sinabi ko na 1995, at tumama. Tinitest niya kung nanloloko ba ako siguro. Umiyak ako umiyak sa harap nila, pinicturan nila ako eith my fake name at akala ko ipapaskil ang pagmumukha ko sa buong SM pero sinabi nila na sa kanila lang yon, para masigurong hindi ko na uulitin. Tulad nung CFAD na nagpost dito awhile ago, siguro nga tulad niya, kinakatok din lang ng panginoon ang puso ko. Ngayon ko lang yon narealize, at ngayon, gusto ko ng magbalik loob sa kanya.

Sherlyn
2014-2015
Faculty of Pharmacy


Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon