Mula kindergarten nasa UST na ako. Pero yung ikukwento ko nangyari nung college ako. Freshman. It was year 2009.
Tambay ako lagi sa Social Sciences section ng central library. Dun ako lagi natambay kasi parang di gaano marami tao dun. Medyo bored ako mag-aral isang araw. Kaya naisipan ko mag-vandalize ng isa sa book stand or whatever you call it. Hahaha. Nilagay ko number ko. But didn't expect that someone would actually take it para i-text ako.
Kinabukasan nasa TYK ako ng may nagtext sa akin. Unregistered yung number. So I replied "Who's this?" Then the person replied "Got your number sa book stand. Bat ka nagvavandal dun?" Nagulat ako kasi yung nagtext was talking about dun sa vandalism. So syempre I didn't reply. Afraid na baka it was the librarian and she saw it. Pero lunch time nagtext ulit sya. "I wanna meet you. Let's go lunch?" Then I replied, "Where?" Sabi nya, "Mang Tootz. P.Noval. Let's meet sa tapat ng gym."
I went there pero di ako nagpakita agad. Kasi nga baka library staff. (Bat kung ikaw ba papakita ka agad? lol) "Wer r u? Dito na ako. Naka-jansport na blue." I was trying to search for him from a distance. Siguro medyo nasa church ako nun. Pero nakita ko lalaki. So tinext ko sya. "Lalaki din ako ah." He replied, "So ako nakita mo na. Ikaw di ko pa nakita. Ang unfair. Show up please!" I was actually hesitant kung papakita ako. He's calling me na. "Papakita ka ba o hindi. Tell me. Mukha akong gago dito." , he texted me again. No choice. Naglakas loob na ako. I went there sa tapat ng gym.
"Hey! I'm _____." sabi ko sa kanya paglapit ko. Pagtingin ko sa uniform, nakanampucha taga-AB din. Hahahaha. Ang cool. Nagsmile sya sa akin tas sabi "Tara na gutom na ako. Ang tagal mo nagpakita. Tinanaw mo pa ako."
Habang naglalakad kami papunta kay mang tootz iniisip ko bakit okay lang sa kanya na lalaki din ako? Pero infairness may dating naman sya. Habang kumakain kami ang dami nya kinukwento about school. He's comfortable I must say. Ako naman parang iniisip ko pa din kung bakit ayos lang. After lunch, umuwi na ako kasi til 12 lang ako. Sya may PE pa.
I didn't think about it much. Pero the next day, "Wer r u? Let's meet. Dito ko lib. social science. Wala ako kasama magaral." He texted me again. Nag-iisip ako kung bakit nagtext pa sya though lalaki din ang katext nya. Pero pumunta naman ako. Pagpasok ko ng soc sci. Nagwave sya para makita ko sya. Then I saw him smile again. Naging routine na namin everyday yun. We became good friends. Then naramdaman ko na na parang there's something wrong na. May mga bagay na sya na pinapakita na parang di lang pang-tropa. Alam nyo yun? Pero gusto ko naman. Hmmm I must say we both like each other. Shit! Kapwa ko mahal ko. Nagtuloy tuloy pa din na ganun kami. Hanggang second year first sem ako, sya third year. May mutual understanding na pero none of us na naglalakas loob magtanong kung ano ba meron? Kung bading ba ako o sya? Pero we're enjoying sa ganun. Hinahanap hanap namin ang isa't isa.
Then one night nagtext sya. "Uy, ayaw mo ba sa akin? Kasi ako gusto kita." Nagreply naman ako. "Pareho tayo lalaki. Okay lang sayo?" Tagal nagreply. "Wala naman masama di ba? Subukan natin?" And yes! Naging kami. Sinubukan namin. Akala ng lahat mag-tropa kami. Parang normal na boyfriend and girlfriend lang din naman. Ang saya saya namin. Naging inspirasyon ang isa't isa. Sabay kami nag-aaral. Kahit minsan salungat schedule namin gumagawa kami ng paraan para magtagpo. Kapag wala din ginagawa sa school kung saan saan kami pumupunta.
Sobrang cool nung relationship na yun. Kaso natapos lahat yun na wala akong idea kung bakit. Fourth year na ako. Syempre sya graduate na. Bigla na lang sya nawala. Di ko alam kung bakit. Kung ano nangyari. Kung may nagawa ba ako. As in walang explanation. Pinilit kong bumangon kahit wala na sya. Awa ng Diyos naka-graduate naman din ako. Naka-move on na din.
I am working as a trainer sa isang BPO company. And I didn't expect na magkikita kami ulit sa office. He's one of my trainee and nagpapakita ulit sya ng motibo. Omfg!
Ang tanong ko sa sarili ko. Bakit nagkita ulit kami? Closure? To continue where we left off? Bakit?
Kayo po ba sa tingin nyo anong dahilan? Ano dapat kong gawin?
Pusong Nangulila ng Kay Tagal
2013
Faculty of Arts and Letters
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles