Best Things Come To Those Who Wait

4K 29 0
                                    


4 years paps, 4 years. Sabi mo sakin maghihintay ka kahit gaano katagal. Pinaulanan mo pa ko ng mga matatamis mong salita pero lintek, ano na? Pumait na, lumipas lang ang apat na taon.

Langya naghintay din ako. Nagtiis din ako. Alam mong mahal kita pero hindi pa pwede kasi may mga ibang priorities pa tayo. Sabi mo maghihintay ka, kaya yun din yung ginawa ko. Kasi alam kong worth it naman yung paghihintay kasi ikaw yun eh. Ikaw 'yun, yung naghihintay na matupad ko muna 'yung mga pangarap ko kaya kahit kelan hindi ako pinanghinaan ng loob. Kasi sabi mo mahal mo ako. Sabi mo hihintayin mo ko.

Kahit kelan hindi ako nagentertain ng iba. Kasi mahal din kita alam mo 'yon. Pero bakit ganon? Ngayong okay na, natupad ko na pangarap ko, nawala ka naman sakin.

Linchak paps sana sinabi mo. Sana tinigil mo nalang kung anong meron tayo dati pa. Hindi yung bigla bigla ka nalang mawawala, may iba ka na pala. Ikaw yung nagsabing maghihintay ka, tapos ngayong handa na ako saka ka sumuko.

Tangina. Ge. Salamat nalang sa apat na taong pagiging inspirasyon ko. Langyang 'to, paasa.

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon