AB Opportunity Cost: NOKIA VS. SAMSUNG

9.5K 172 2
                                    

Kanina sa Etar class namin kay Sir Manapat nagtanong siya kung ano ang pipiliin mo NOKIA O SAMSUNG.

Prof: Ano ang pipiliin nyo NOKIA O SAMSUNG? Parehas na brand new at specs, mas malaki lang ang NOKIA at mas bagong labas.

Ako: (Nagtaas ng kamay) Sir, NOKIA po.

Prof: Bakit Nokia?

Ako: Kasi po mas bago at mas malaki tska gusto ko po e.

Prof: Ayun lang ba?

Ako: Edi sir, dalawa na lang sila na bibilhin ko.

Prof: Di pwedeng dalawa isa lang dapat.

Ako: Para po sir matesting ko kung ano ang mas maganda tapos ibebenta ko po yung isa.

Prof: Hindi pwede yun. Bakit kapag may nanligaw ba sayong dalawa, parehas silang pipiliin mo?

Ako: Sir pwede po yun may supply naman po e tska hindi naman po applicable sa buhay yan sir e.

Prof: Hindi mo pwedeng sabihin na maraming supply dahil limited lang ang mga to at applicable ito sa totoong buhay.

Ako: Tumahimik na ko.

Prof: Ok class kapag nakabili kayo ng hindi maganda at hindi nyo nabili yung mas maganda at maiisip nyo, ayun ang tinatawag na OPPORTUNITY COST inshort panghihinayang.

Ako: (nagtaas ng kamay) Sir, wait lang po diba po dapat collect and select? Para pipili kayo at malaman niyo kung ano ang the best para sayo tska hindi manghinayang. Parang cellphone lang po.

Prof: Ms. Nokia, hindi pwedeng dalawa kailangan isa lang. Parang sa buhay lang yan 1:1 ratio lang dapat.

Ako: (nag-isip) Sir, last na po ito. Diba sa panahon ngayon marami ng mga two timer? Meron na ngang isa, meron pang iba. Ganun din po sa cellphone.

Prof: Ok, ikaw gusto mo bang maging girlfriend ng magnanakaw? Maging girlfriend ng kaibigan ng kapitbahay ng pinsan mo? Maging girlfriend ng bayan?

Ako: Ayaw sir!

Prof: O yun naman pala e.

Ako. (nagtaas ng kamay) SUKO NA PO AKO SIR.

DALDALERANG ARTLET 
2014 
Faculty of Arts and Letters

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon