Be Safe

2.4K 15 0
                                    

Magpapagrad pic ako nun sa colorpoint classic sa tapat lang ng UST. Hinihintay ko sa labas ng studio prof ko kase di ko sure kung nakapasok na ba sya sa loob o hindi pa. bigla nalang may isang matabang babae na naka-office attire na lumapit sa kin. Pinulupot nya agad ang kamay nya sa braso ko. Mukha kameng close na close. Naglakad kame papalapit ng overpass, habang ako napapaisip kung nasa wow mali ba ako o kung ano. Di ko alam kung bakit di ako pumalag at hinayaan ko siyang dalhin lang ako. Hawak ko nun cp ko kase nakikinig ako ng music kaya habang naglalakad, she kept on asking me to keep my phone. Nung nasa tapat na kame ng goldilocks, may mga guard at tricycle drivers, kaya siguro nagkalakas ako ng loob na bumitaw sa kanya. Humakbang ako palayo pero nanigas bigla katawan ko. Di ko alam kung dahil ba yun sa takot. Sabi pa nya, ""gusto mo pa talaga masaktan ha. Halika na."" mahina at malumanay pa pagkakasabi nya ha. Bigla akong naglakas loob na maglakad pabalik ng studio kase narinig ko na yung prof ko na tinatawag ako. Dun na ko nagising. Paglapit ko sa prof ko, dun ko narealize na parang na-hypnotize ako sa boses nya. Di lang siguro ganun katindi kase suot ko isang earphone ko. Nasabi ko nalang sa prof ko ""di ko po sya kilala, gusto nya ko dalhin kung saan."" habang outlang putla daw ako. Akala pa daw nung guard ng studio e kamag-anak ko yung babae kase sobrang casual nga yung paglapit sa kin at di natakot kahit tanghaling tapat yun at andaming taong dumadaan. They alerted certain people outside para masigurado na pag dumaan ulit yung babaeng yun, di na maulit pa nangyari sa kin. Who knows kung saan pala nya ako balak dalhin at kung ano gagawin sa kin..

Be alert everyone, lalo na yung nga babae. Kahit anong oras o kahit saan di na sila natatakot gumawa ng masama. Ang ayos pa ng bihis nila, effort kung effort.

Feeling muntik makidnap
2012
Science


Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon