To my Hermione Granger,
Natatandaan mo pa ba noong una tayong nagkita noong 3rd year High School? pumasok ka sa cr ng boys na hingal na hingal, nagtago ka kasi sabi mo hinahabol ka ng classmate mo na babae, at cr lang ng boys ang naisip mo pagtaguan kasi sino nga namang babae ang papasok doon? Haha buti nalang ako lang ang tao noong time na yun, pero shit lang kasi noong time na pumasok ka umiihi pa ako . Humingi ka ng sorry sakin ng paulit ulit kasi nga nakakahiya yung ginawa mo, pero natatawa ako kasi habang humihingi ka ng sorry tumatawa ka, dahil nga nakita mo akong umiihi . Noong mga time na yun sabi ko sa sarili ko sobrang iba ka mga girls na nakilala ko, iba ka ngumiti at tumawa, nakakainlove haha. Sempre dahil ako nga tong si nagka-crush sayo sabi ko ""sige para naman dika sorry ng sorry jan kahit di sincere, libre mo nalang ako"" pumayag ka at nag kausap tayo ng ilang minuto, nagkapalagayan ng loob, at nahingi ko ang number mo. Natapos ang 3rd yr. na sobrang close natin, instant bestfriend nga ang tawag mo sakin. Hanggang sa nag 4th yr. tayo at napag usapan nating dalawa ang kukunin nating course at papasukang school. That time ang plano ko ay mag CE, pero nung narinig ko yung plano mo, parang ayaw ko mahiwalay sayo kaya naman nag-Arki ako, tulad ng kursong gusto mo kunin.
Parehas tayong pumasa dito sa UST, at di nman ako nag kamali sa pinili ko dahil na-eenjoy ko naman ang course natin. Ikaw ang inspirasyong ko sa pag-aaral, motivation para araw-araw pumasok at tapusin lahat ng plates on time Everyday sabay tayo kumain, hinihintay kita umuwi kahit na mas maaga ang uwian ko sayo. Magkausap tayo sa cellphone everynight, Lahat ng secrets mo alam ko, pero ikaw dimo alam lahat ng sikereto ko. Di mo alam na yung tinuturing mong bestfriend mo inlove na sayo. Naasar ako noong may nanligaw sayo na Engineering, sino nga nman di makakapansin sa ganda mo? kaya di kita kinakausap nung araw na yun, nahalata mo ata na nag seselos ako kaya sabi mo ako lang naman ang lalaki sa buhay mo kaya wag ako mag selos, aaminin ko kinilig ako :""> kasi ang sarap sa feeling na marinig ko yung mga salitang yun galing sayo. Habang tumagal ang stay natin sa UST marami ang nakakapansin sayo, naasar ako sa fact na napaka lapitin mo ng boys, dumadami ang mga nagkakagusto sayo, nakaka insecure kasi yung iba mas may ""pogi points"" kesa sakin, natatakot ako na baka dumating yung time na may magustuhan ka rin sa kanila.
Nung inaya kita kumain noon gusto ko na sana mag tapat sayo, kaso pinangunahan nanaman ako ng takot na baka layuan mo ako or mailang ka sakin, kaya imbis na umamin ako, tinanung ko kung may natitipuhan ka naba sa mga manliligaw mo sabi mo WALA AH. nakahinga ako ng maluwag nun, kasi for the 2nd time na assure ko nanaman na wala ka pang type sa mga yun kaya may pag-asa pa ako Sobra kong assuming kasi nag aassume ako na baka nga ako lang ang hinihintay mo kaya wala ka pang nagiging boyfriend. Dahil dun nagkalakas ako ng loob na umamin sayo pag 3rd yr. na tayo
Dumating ang 3rd yr. college, naging sobrang busy na tayo ang daming plates na ginagawa, sobrang hectic ng sched pero may time parin tayo para mag kita. Napag planuhan ko na umamamin sayo noong last day before tayo mag sembreak. Naka upo lang tayo sa Lovers lane, nagdra-drawing ka ng bigla ko nalang hawakan yung kamay mo at hinalikan ko, umamin ako sayo na simula 4th yr HS gusto na kita , lahat ng nararamdaman ko sayo inamin ko na, pagkatapos ko mag salita nakita kita na umiiyak at bigla mo akong niyakap. Sobrang saya ko that time kasi yung matagal ko ng tinatago sa bestfriend/taong mahal ko nasabi ko na, YES NASABI KO NA!!. Di moko pinaalis sa yakap mo at humihingi ka ng sorry habang umiiyak. Tinanung kita kung bakit at para saan ang sorry mo? sabi mo di mo matatangap yung pagmamahal ko para sayo, biglang gumuho yung mundo ko nung narinig ko yun, pero mas gumuho yung mundo ko sunod mong sinabi ""diko matatanggap yung pagmamahal mo kasi di naman lalaki ang gusto ko"" di agad nag sink in sa utak ko yun, sobrang nabigala ako nun hanggang sa humarap ka sakin at hinawakan mo yung pisngi ko, sabi mo ""Lesbian ako *****, diko maamin sayo o khit kanino kasi baka iwanan nyo ako, or layuan. Mahal din naman kita pero hanggang kaibigan lang. DAHIL BABAE ANG GUSTO KO""
Iyak ako n iyak noon halos hanggang gabi umiiyak ako, bakit sa lahat pa ng tao ikaw pa ang magiging lesbian? bakit yung taong mahal ko pa? bakit yung taong gusto kong makasama? bakit ikaw? bakit ikaw pa? Sobra kitang mahal. Mahal na mahal kita. Buong sembreak ikaw lang ang iniisp ko. Tinatawagan moko pero haggang sa tawag nag sorry ka, diko makayanan lahat ng nararamdaman ko kaya pinuntahan kita nun sa bahay nyo, lumuhod ako sayo, umiyak ako sayo, nakikiusap ako na kung pwede bigyan mo ako ng chance, na kung pwede i-try mo buksan yung puso mo para sa lalaki, para sakin. Pero ang sabi mo bigyan muna natin ng space ang isa't isa, na baka minahal kita kasi lagi tayong mag kasama, pero P**ANG INA, di kita minahal dahil maganda ka, dahil lagi tayong magkasama, MINAHAL KITA KASI MAHAL KITA. YUN LANG MAHAL KITA. Binigay ko sayo yung space na hinihingi mo, habang ilang araw tayong di nag kikita lalo ko lang napapatunayan na totoo tong nararamdaman ko sayo.
Ilang araw, buwan at taon ang nagdaan na di ka masyado nag paparamdam sakin, pero kahit ang tagal na since that day na humingi ka ng space di parin nawawala yung pag mamahal ko sayo, kahit na ilang beses ko itago o sabihin sa sarili ko na ""tama na, wala ka ng pag-asa"" diko maiwasan na someday pag bibigyan mo yung hiling ko na bigyan ako ng chance, ng pagkakataon na mahalin ka at mahalin mo rin ako. Huling paskuhan na natin noon sa UST, wala akong balak mag punta nun pero nakatanggap ako sayo ng text na ""Bestfriend i miss you, punta ka Paskuhan ah, kita tayo"" nabuhayan ako ng loob noon. Nauna ako makarating sa UST nun, akala ko di ka na sisipot kasi sobrang tagal mo, pero nagulat ako ng may biglang yumakap sakin mula sa likod at kinagat ako. Ikaw pala yun sobrang laki ng ngiti mo, at sobrang saya ko rin naman, Niyakap kita at niyakap mo rin ako pabalik. Nung mga oras na yun akala ko okay na, na handa kna mag bigay ng chance sakin, na i-ttry mo buksan yung puso mo, pero for the nth time nagkamali nanaman ako, pinakilala mo sya sakin, isang babae from AB na lower year satin, GIRLFRIEND MO. Pinilit ko ngumiti that time kasi nakahanap ka ng taong mamahalin mo at mahal ka (sana nga mahal ka talaga), pero deep inside sobrang sakit na ng nararamdaman ko, na yung chance na hinihintay ko galing sayo wala na talagang pag-asa. Umiyak nanaman ako ng hindi ko na matandaan kung ilang araw. Pinipilit ko nanaman ulit yung sarili ko na WALA NA TALAGA. Eversince nun pinili ko na lumayo sayo, kasi baka makalimot nga ako (which is alam ko naman diko kaya)
Graduation day natin nun ng lumapit ka sakin at niyakap ako saying thank you and goodluck sa next chapter ng buhay natin bilang mga Architect,sinabi mo wala na kayo ni AB girl and nangako ka rin sakin na kung sakaling maging babae ka man hahanapin mo ako at papakasalan natawa nalang ako sa sinabi mo nayon, pero diko expected ang sunod mong ginawa hinalikan mo ko sa lips for i dont know ilang seconds, after that nagkangitian tayo at umalis kana.
5 years since that day ito parin ako, mahal ka parin, nakakatawang isipin na dahil ba sa halik mo kung bakit di mawala yung nararamdaman ko sayo wala narin tayong pag uusap since ng umalis ka ng bansa, pero sabi ng kuya mo BABAE KA NA DAW? haha bumalik kana dito at tuparin mo yung pangako mo sakin. Papakasalan mo pa ako di ba? Ready na ako, actually matagal na kong ready for that day to happen, sana ready ka na rin. I love you Jane, I always love you.
P.S Im looking forward na magkita ulit tayo sa cr ng boys, Just like how we met
Ronald Weasley
2003
College of Architecture
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles