Nung nasa college si papa, isa din siya mean guy kung baga. Since city boy siya, alam niya lahat ng kalokohan. Malakas ang sex appeal niya kaya ang daming nagkakagusto sa kanya...according to him. Ang dami din niyang naging girlfriend pero di din tumagal...until he met this woman also from his school. Itago nalang natin siya sa pangalan na Mina.
"nakilala ko si Mina nung nanonood kami ng procession ng Peñafancia noon. Nung unang kita ko sa kanya, sabi ko sa sarili ko na magiging kaibigan ko din siya at naging nga. Nakilala ko siya at nagbago ako. Hindi na ako umiinom, hindi na ako nagsisigarilyo—tinanggal ko lahat ng bisyo ko. Syempre, para gumaan ang loob niya sa akin. Isang araw, nakita ko si Mina na naglalakad magisa, nakayuko. Nilapitan ko siya.
"Mina! Mag ingat ka nga sa paglalakad mo!" Sabi ko.
"Nag iingat naman ah?" Sagot niya.
"Bakit naman kung parang maglakad ka eh parang kang mag mamadre?" hindi siya sumagot. Ganun pa din, nakayuko siya.
Magkasama kami sa dorm. Natatandaan ko pa nun, ibinigay namin sa kanya ang isang kwarto na pinaglipatan ng isa naming boardmate tapos kaming tatlong lalaki sa sala. Alam ko ang mga paborito niya kaya tuwing umaga binibilhan ko na siya ng pandesal at ng gatas...kasi nga paborito niyang lahat yun. Lagi ko siyang kasama, at dahil din nga sa kanya napalapit na ako sa Diyos..hindi naman ako ganun noon. Nakakapagkwentuhan pa kami sa mahabang oras nun naabutan pa nga minsan ng madaling araw. Kami lang dalawa nun at maaari kong gawin lahat ng gusto ko sa kanya pero pinigilan ko ang sarili kong gawin yun. Tinutugtugan ko siya ng gitara at kinakantahan. One Friend ang title ng theme song namin...noon.
If I had only one friend left
I'd want it to be you
Ipinahayag ko ang nararamdaman ko sa kanya. Alam kong nararamdaman niya yun per siyempre ayaw niyang mawala ang goal niya...maging MADRE. Naintindihan ko yun pero hindi ko naman itinigil na ipahayag ng paulit ulit ang mga nararamdaman ko. Pinahalagahan ko siya. Alam ko naman ding iiwan niya ako isang araw pero kako saka na lang yun pag sinabi na niya lahat lahat. Ginawan ko siya ng gantsilyong unan na may pangalan niya at sinulatan ko din siya...ipinahayag kung gaano siya kahalaga sa akin. Masaya naman ako dahil tinanggap niya yun.Hanggang isang araw. Nakipagkita akonsa kanya. Ngumiti siya sa akin at pinasalamatan ako sa lahat ng ginawa ko sa kanya at mahal niya ako...bilang kaibigan. Habang sinasabi niya yun, napalunok ako at pinigilan ang luhang gusto nang pumatak sa mga mata ko. Simula nung araw na yun hindi na ako nagpakita kay Mina. Hangang ngayon naiisip ko pa din siya pero alam kong masaya na siya sa kanyang napiling bokasyon at ako din.
Namiss ko nang makita ang kanyang magandang mukha, asarin ang kanyang mahabang buhok, abangan ang mulingnpaghaba nito sa bawat pag putol niya sa kanyang buhok. Ang mga oras na noo'y kami ay nakakapagkwentuhan ng matagal....ang pagkanta ng One Friend sa kanya."
Kung nasaan ka man ngayon Sister, sana maayos ka palagi
Danica Seals
2008
Faculty of Engineering
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles