Androgynous Love
Hey whats up?
I'm not from FEU, LPU, ADU nor USTe etc, but I wanna post this cause I know marami siyang friends dito sa mga school na yan.
Hello, I'm Vince (Real Nickname), I'm from Ateneo and I wanna share my story.
I met this pretty little girl with the height of 5'6 and a soft tan skin last 2013, she's waiting for me sa starbucks (fort) dahil kaibigan ko ang cousin niya na inutusan siya na ibigay sakin yung laptop for our project. I don't know why pero that same day, I was really nervous and feeling excited to meet my classmate/friend's cousin. And na bother ako dahil sinabihan ako ng classmate ko na ""Dude, don't get confuse if you guys met"", at first I was really thinking na weird siguro yung pinsan ng classmate ko. But then, I entered in stabucks and saw this girl wearing a simple plain fitted black dress and a shades, I was really shy to say Hi thats why I decided to go to the wash room first before going to her, after a minute I saw her scrolling the laptop kaya pinuntahan ko na siya, I said Hi and she was looking at me then after a seconds bumalik yung tingin niya sa laptop, so nabigla ako na she didn't even say Hi back to me, kaya na confuse ako then I sit down at sinabing ""Hey, I'm vince, ako yung classmate ng pinsan mo, and you are?"" Nabigla siya then sabing ""Omg! Sorry, I thought makiki share ka lang ng upuan!"" (In the back of my head, Iniisip ko, maganda nga, pero weird and medyo weird din yung voice.) we've been talking for almost half of an hour when she cut me off saying that she's bored. That why I asked her if she wants to go home na, but then sabi niya ayaw niya pa kaya niyaya ko siya maglakad lakad. That same time I've realized na never ko pang nagawa yung carrying something while walking, ewan ko pero di kona fe-feel yung pagod pag nag jo-joke siya tapos natatawa siya sarili niyang joke. Niyaya ko siya kumain kaso sabi niya on diet daw siya, kaya sabi ko hatid ko nalang siya pauwi, at first ayaw niya cause nahihiya siya but I insist kaya pumayag siya. Kinuha ko phone number niya that night.
After secretly going out for 2 consecutive months (dahil di alam ng cousin niya), I asked her if pwede ko ba siyang maging girlfriend, (Yes I know, that fast) sinagot niya ako ng tawa na malakas, then I was really thinking that friendzone ba to or what? HAHA! Pero natawa ako kasi ang answer niya is ""Bakit naman hindi? Kaso wala kang future sakin! Di kita mabibigyan ng baby. HAHAHA!"" (Ang bilis niya mag isip noh? HAHA. Pero Yes! I know. Alam ko na Gay siya I've been stalking HER social media accounts and saw some
old photos na nakatag sa kanya, but I didn't expect na nakaka inlove yung personality na pinakita siya sakin, looking HER now? Walang bakas ng pagiging guy.. and I am willing na siya ang first trans girlfriend ko). I don't care kung tawagin rin nila akong gay because of this pero minahal ko talaga siya. That night kine-clear ko na lahat sa kanya na I don't have any commitments, pag sinagot niya ako that night means matagal niya narin akong gusto. Kaya natawa ako nung sinagot niya ako. Hahaha.5 months have passed medyo nagiging busy siya, di na kami masyadong nakakapag usap or 3 a month nalang kami nakakapag date. I don't have the guts para sabihin sa pinsan niya na 5 months na kami, but nahuli niya na ang lock screen wallpaper ko is photo namin na mag ka kiss. Hindi siya against pero binantaan niya ako na if I hurt his cousin, I'm dead. After class nag punta ako sa school niya, and nakita ko may kasama siyang lalaki na matangkad, I don't know but I didn't even go out of my car, I was wating inside kung ano ang next na gagawin nila, then I saw the guy na umakbay sa kanya, kaya napa mura ako, then I drove off.
Humingi ako sa girl bestfriend ko na nakakaalam ng relationship namin ng tulong, ang sabi ko pagselosin rin namin, kaya ang plan is papupuntahin ko siya (my girlfriend) sa condo ko and mahuhuli niya na andun si patricia at nanunuod kami ng movie while nakaakbay ako and naka lean si patricia. After an our (November 22,2014 6:43PM) dumating siya and nakita kami, nakatayo lang siya, at di nagsasalita, nag kunwari akong cold at sabi sa kanya na may pagkain sa ref kung gusto niya kumain kumain nalang siya (without removing my left hand kay pat) but then sabi niya aalis nalang siya, dahil may project pa siyang tatapusin, pero natigil siya sa paglalakad nung sinabi ko na ""Project ba? Or may di ka natapos na lakaki?"" Nabigla siya, SOBRA. Then sumagot siya, asking me kung ano yung sinabi ko kaya sinabi ko ulit, nakita ko na parang naguguluhan siya kaya sinabi ko na ""Nakita ko, nakita ko kung pano ka lumandi sa harap ng school niyo! Pare parehas lang talaga kayo! Mag break na tayo!"" Pinipigilan niya yung luha niya na kinahina ko talaga. Tapos sabi niya ""ah yun ba vince? Kaya pala naghihintay ako na dumating ka andoon ka na pala. Pero sige, if thats what you want okay. Sana maging masaya kayo ng bestfriend mo."" Then naglakad na siya papunta sa pinto. Then dun na ako nagwala.
After a minute nag message alert tone yung phone ko at si patricia ang nag read saying ""Thanks for everything vince, I didn't expect that coming. 5 months is well spent with you. I love you baby, be a good man and be happy! And FYI, yung nakita mo sa school na lalaki, gay din yun, at nag hihintay sa boyfriend niya. "
From that day, di ko na siya ma reach and ma search sa mga social media accounts niya, di ko alam kung nag delete ba ng accounts or nag nagpalit ng pangalan or maybe bina-lock niya na ako, di ko rin ma tanong yung cousin niya kasi nasa states na kaya ito till now, NGA NGA! =))))))
PS: sana mahanap ko siya ulit. CJAE Mag pakita ka na ulit, baby di na ako galit. =)))))))))) (palakasan nalang ng loob kahit magalit ka dahil binigay ko pangalan mo, wala akong paki manahap ko lang ulit accounts mo.)
Vince
2012
SOS
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Документальная прозаThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles