Shoe Lace

10.5K 200 2
                                    

USTET 2010 noon.

Since maaga pa lang nasa UST na ko, naglakad lakad muna ako sa campus. Habang naglalakad ako, may nakasalubong akong group of boys. Yung isa hinarangan ako at sinabing “Ms? Fix your shoe lace” sabay turo sa paahan ko. Ako naman si tingin at narealize kong nakasandals ako at wala itong lace. Pag tingin ko ulit kay guy tumawa siya at tumawa na rin yung iba niyang kasama. Nabadtrip ako nun at inirapan na lang sila at nagpatuloy na sa paglalakad. 15 minutes before ng exam pumunta na ako sa assigned room sa Albertus Magnus. Pagpasok ko medyo madami nang tao kaya inarrange na kami ng proctor namin. Sa kamalasmalasan, nasa pinakalikod ako at sulok at lalaki pa ang nasa unahan ko kaya wala akong makausap dito. Habang nageexam tingin ng tingin sakin si guy na nasa unahan ko at tumatawa na lang bigla, naweirduhan ako kaya di ko na lang pinansin. Natapos na yung exam at medyo madilim na sa labas, naghintay ako sa plaza mayor para hintayin yung kasabay ko umuwi. Habang nakaupo ako may lumapit sakin na guy, siya yung nasa unahan ko. Nagtaka ako bakit lumapit siya so tinanong ko siya kung bakit tapos sabi na naman niya “Your shoe lace” sabay tawa. Sobrang weird niya kaya tumayo na ko dun at lalayo na nang harangan na naman ako ni guy na nangharang kanina, sabi niya sakin sorry daw dun sa kanina at sa friend niyang karoom ko nung nagexam . Medyo nag eenglish pa kaya di ko na matandaan ang exact words.Sinabi din niya na buti na lang daw karoom ko yung isa niyang friend at nakilala ako. Then may binigay siyang card na may digits niya at sabi niya itext ko daw siya then umalis na. Nung una ayaw ko pa itext kasi siya yung guy at siya dapat ang gagawa ng first move pero naalala ko hindi ko pala naibigay ang number ko kaya ako na unang nagtext. Yung mga panahong yun, akala ko for friends lang kaya niya ko kinilala. Nagkatext kami and naging friends, hindi na rin kami nagkita personally after nung USTET. Hanggang sa dumating na yung results and luckily nakapasa ako sa pharma. Sobrang tuwa ko noon at agad ko sinabi sa parents ko at after nun sa kaniya. Masaya din siya nung tinawagan ko kasi nakapasa din siya sa Chem Eng’g. After ng pagtitili ko sa phone sa sobrang saya bigla na lang niyang nabanggit ang “Sana sa UST mag start ang love story natin” hindi ako agad nakasagot noon. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kaya binaba ko na lang yung phone. Saka lang nag sink in sa utak ko na kaya pala niya ako kinilala kasi nagustuhan na niya ako simula pa lang nang magkita kami. Since hindi pa ako pwede magboyfriend that time, tinanong ko siya if he can wait and he answered yes. I’m so lucky dahil 4 years nga siyang naghintay sakin. Until one time, sabi niya magkita daw ulit kami sa plaza mayor at may sasabihin siyang importante, ako naman hindi ko alam kung pupunta ako kasi katatapos lang ng class namin at sobrang haggard ko, so nagtatakbo na ko, pagdating ko dun nakaupo siya then tumayo nung nakita ako, tumapat ako sa kaniya at bigla niyang sinabing “alam mo namang matagal na kong nanliligaw sayo diba? Siguro…” tumigil siya at lumuhod akala ko tatanungin na ko kung pwede nang maging kami pero nagkamali ako, lumuhod at inayos ang shoelace ko. Grabe kahihiyan ang nadama ko noon, napatawa na lang ako pero after nun, lumuhod siya at kinuha ang 3 roses sa likod niya sabay sabing “Will you be my girlfriend” Ayun na e! Yung iniintay ko! Hahaha so ayun sinagot ko na siya. Ang daming tao ang nandun pero hindi ko na inintindi. Niyakap ko agad siya ng mahigpit. Saksi ang main building sa pagmamahalan namin haha.Hopefully, walang katapusan na tong love story namin. Oha! Hindi forever ang sinabi ko. Worth it naman talaga pag naghihintay kayo sa right time at inuuna pa rin talaga ang studies para sa future niyo.

oinky 
2010 
Faculty of Pharmacy

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon